SA romantic Valentine date nina Hayden Kho at Vicki Belo, kasama nila ang anak na si Scarlet. May romantic setup ito, at syempre, may regalo – isang Bentley na dream car ni Belo.
“Lagi kang nagbibigay na parang fairy godmother,” ani Hayden sa asawa. “So I thought it’s about time somebody grants your wish naman.”
Hindi inaasahan ito ni Vicki dahil dati, flowers lagi ang regalo sa kanya ng asawa. Matagal na raw niyang gusto ang Bentley pero namahalan siya.
“Na-freak out naman ako na nagkaroon ako ng dream car ko ever,” ani Vicki. “So unexpected kasi kung may bucket list, ‘yun na lang naiiwan sa bucket list ko. The car I’ve been wanting for so long pero every time I look at it parang masyadong mahal.”
Liban sa dream car, may love letter pa si Kho kay Belo na binasa niya habang nakaupo sa likod ng backdrop na may nakasulat na “I love you” sa iba’t ibang lengguwahe.
“I know I’m not an easy guy. I’m sometimes moody, short-tempered, impatient and sometimes I’m quick to judge but you never let me feel any less of me. You always love me and you respected me the same even during the times when I was least lovable,” Kho said, describing Belo as a “gorgeous, loving, thoughtful and sweet” wife.
Ikinasal ang dalawa sa isang Parisian wedding noong 2017 at isinilang naman ang kanilang kaisa-isang anak na si Scarlet noong 2015. KNMartin