‘DRIVER RE-EDUCATION PROGRAM’ IMINUNGKAHI

DRIVER RE-EDUCATION PROGRAM

IMINUNGKAHI ng isang mambabatas na dumaan ang lahat ng motorista sa ‘driver re-education program’ isang beses kada limang taon upang madisiplina ang mga ito at masiguro ang kanilang kaligtasan.

Ayon kay Iloilo Representative Lorenz Defensor, kanyang isinusulong ang House Bill 3196 na naglalayong ma-orient at muling ma­disiplina ang mga motorista bago makakuha ng lisensya at maging solusyon na rin sa problema sa trapiko.

Aniya, ito rin ay para makaiwas sa dumaraming bilang ng namamatay sa daan o aksidente.

Iginiit pa ng kongresista na may responsibilidad ang pamahalaan na paigtingin ang pagsuri ng mga binibigyan ng lisensya na dapat ay hindi ang marunong magmaneho kundi dapat ay may tamang disiplina ang mga ito. DWIZ882

Comments are closed.