UMABOT na sa 690,000 ang backlog ng driver’s license sa Land Transportation Office (LTO), ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista.
Sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee, sinabi ni Bautista na sa kasalukuyan, ang LTO ay mayroon na lamang 70,000 cards sa buong bansa ngunit naka-reserve na ito sa overseas Filipino workers na kailangan ng driver’s license sa kanilang trabaho.
“Right now, meron nang shortage ng driver’s licenses. As of today, we have only around 70,000 ID cards available nationwide and we’re reserving this for iyong mga OFW kasi kailangan nila iyong mga ID na iyon. Ang backlog nito ay inaabot ng 690,000,” sabi ni Bautista sa naturang pagdinig.
Bilang temporary measure, sinabi ni Bautista na pinalawig na ng LTO ang validity ng mga lisensiya na naging due simula April 24 hanggang October 31.
“Ang ini-issue nila ngayon sa mga bagong driver na kumukuha ng driver’s license is initially an OR [officier receipt],” aniya.