MAGIGING maikli lamang ang talumpati ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ngayong araw.
Inihayag ng Palasyo ng Malakanyang na kasama sa tatalakaying isyu sa 45-minute SONA ng Pangulo ang paglaban sa korupsiyon, ilegal na droga, rebelyon at West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, babanggitin din ng Pangulo ang mga achievement ng administrasyon sa nakalipas na tatlong taon sa puwesto.
Inaasahan din na iisa-isahin nito ang mga plano sa nalalabing tatlong taon sa puwesto hanggang 2022.
Itutuloy rin ng Pangulo ang pagsusulong para sa reporma na ipinangako nito na bigyan ng pangmatagalang pagbabago sa bansa.
Naniniwala ang Palasyo na naging matagumpay ang gobyerno sa pagtugon sa mga problemang malapit sa sikmura ng mga mamamayan.
Ito ay bunga ng inilabas na survey ng Pulse Asia kamakailan kung saan mayorya ng mga Filipino ang interesadong marinig ang mga isyu ng presyo ng bilihin, suweldo, at trabaho sa SONA ng Pangulo.
“Maituturing na successful ang mga programa ng gobyerno kung ito ang magiging batayan para husgahan ang tatlong taong termino ng Pangulo,” pahayag ni Panelo.
Para naman sa Department of Finance (DOF), kung suweldo ang pag-uusapan napataas na nila ang take home pay ng mga manggagawa dahil 99% na ng mga personal income tax payers ang nagbabayad ng mas mababang buwis sa ilalim ng TRAIN Law.
Ipinagmalaki naman ng DOLE ang halos kalahating milyong manggagawang na-regular sa trabaho simula 2016.
500 TRAFFIC ENFORCERS NG QC, IKAKALAT SA SONA
MAY 500 traffic enforcers ng Quezon City Department of Public Order and Safety (QC-DPOS) ang ipakakalat para sa gaganaping SONA ni Pangulong Duterte ngayon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Batasan Road at kalapit na mga lugar.
Kasabay nito pinayuhan ng pamunuan ng QCPD ang mga motorista na sundan ang kanilang traffic rerouting at alternates routes upang hindi sila maipit sa trapiko.
Kabilang dito ang partial closure at pagpapatupad ng zipper lane sa bahagi ng Commonwealth Ave. northbound.
Kabilang sa mga alternatibong ruta: “Light vehicles mula Quezon Memorial Circle patungong Fairview may take North Avenue, turn right to Mindanao Avenue, turn right to Old Sauyo Road, turn left to Chestnut, turn right to Dahlia Street, turn left to Fairlane Street, then exit to Commonwealth Avenue and onward to their destination.”
“Light vehicles mula Fairview patungong Quezon Memorial Circle may take the alternate route by turning right to Fairlane Street, turn right to Dahlia Street, turn left to Chestnut Street or turn right to Regalado Avenue, right turn to Old Sauyo Road, turn right to Mindanao Avenue, and take a U-turn to Quirino Highway going to Mindanao Avenue, turn left to North Avenue going to Quezon Memorial Circle and onward to their destination.”
“Heavy vehicles mula Quezon Memorial Circle to Fairview may take Commonwealth Avenue where a zipper lane shall be opened.”
Nagsagawa naman ng clearing operation ang QC Environmental Protection and Waste Management Department sa paligid ng Batasang Pambansa
Sakaling may mga mangailangan ng tulong medikal, may first aid tents ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office sa Saint Peter Church at Batasan Police Station. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.