DROGA SA 5 REHIYON TALAMAK PA RIN

shabu

CAMP CRAME – NANANATILING mala­king hamon ang drug war sa limang rehiyon sa bansa, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa unang Monday flag raising ceremony kahapon, sinabi ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa, na umiiral pa rin ang drug trade sa halos lahat ng rehiyon subalit mas mahigpit nilang binabantayan ang Metro Manila, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Western VIsayas, Central Visayas at Zamboanga Peninsula.

Sa press briefing kahapon, una sa listahan ang Region 7  o Central Visayas habang pinakahuli sa Metro Manila.

“Hangga’t may nahuhuli tayong droga, hindi masasabing drug free ang isang lugar,” ayon kay Gamboa.

Magugunitang ka­makailan ay nasa P5.7 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng awtoridad sa isang high value target.

Inamin din ni Gamboa na ilan sa mga droga na kumakalat sa bansa ay mula sa bahagi ng Min­danao.

Inatasan ng PNP OIC ang lahat ng regional directors na isumite ang pangalan ng top 10 hanggang top 20 drug suspects sa kanilang nasasakupan upang matukoy kung sino ang uunahin sa anti-drug operations.

Idinagdag pa nito na ngayong taon ay paiigtingin pa ng PNP ang operasyon laban sa middle-level at high-value drug targets. EUNICE C.

Comments are closed.