CAVITE – Apat-katao na sinasabing nasa drug watchlist bilang notorious drug dealers ang nasakote ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng pulisya at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA 4A) makaraang makumpiskahan ng P325-K halaga na shabu sa ikinasang anti-drug operation sa bahagi ng Barangay San Esteban, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng madaling araw.
Isinailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina alyas Abdul ng Brgy. Dat Esmael, Dasmarinas City; Arlene Arcilla y Gongob, 34, ng Brgy. Sinjo, Calama City, Laguna; Dennis Sagandoy y Jandumon, 30, ng Block 42 Lot 11, Calama Hills Subd. Phase 2, Calamba City, Laguna; at si Henar Sampang y Sunga, 29, ng Block 16 Lot 39 Dexterville Royale Subd., Brgy. San Nicolas 2, Dasmariñas City.
Ayon police report na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, nasamsam sa mga suspek ang 6 plastic sachets na shabu na 47 gramo at may street value na P325,000.00 at P200 marked money na ginamit sa due operation ng mga awtoridad.
Kasalukuyang pina-drug test at physical examination ang mga suspek habang dinala naman sa Cavite Crime Laboratory Office ang nasamsam na shabu para ramiting ebidensya sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 65 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Nabatid din na isa sa sentro ng drug trade at libong drug dealers ang namumugad sa nabanggit na lungsod, subalit nagpapatuloy naman ang kapulisan para alisin ang modus operandi ng sindikato ng droga. MHAR BASCO