DRUG-FREE PHILIPPINES SA 2022 TARGET NG PNP

drug-free

“NEVER say die.”

Ito ang pahayag ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagnanais na makamit ang kanilang target na mapalaya ang Filipinas mula sa ilegal na droga pagsapit ng taong 2022.

Sa mensahe ni PNP Chief  Gen. Oscar Albayalde sa ginanap na Ikalawang Anibersaryo ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG), ibinida nito ang lahat ng mga naging accomplishment ng PDEG sa nakalipas na dalawang taon.

Kabilang na rito ang pagkakasakdal sa Bigtime Drug Suspect na si Horacio Hernandez Herrera, gayundin ang pagkakaaresto sa 26 na iba pang drug suspect kabilang na ang pitong dayuhan.

Gayundin, ang bulto-bultong shabu, tone-toneladang high grade marijuana, mga drug paraphernalia, mga sasakyang gina­gamit ng sindikato at iba’t ibang uri ng mga armas maging ang mga bala nito. DWIZ 882

Comments are closed.