QUEZON CITY – INILUNSAD kamakailan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang programa na magsusulong na maging drug-free ang workplace sa mga business establishment at subdivisions sa Makati City.
Kasama rito ang mga bar, hotel, restaurant at condominiums.
Sa pahayag ni PDEA Director General Aaron N. Aquino, na isa itong special project na unang ipinatupad sa Quezon City noong Pebrero 21, 2019 kung saan katulong ang ilang management ng mga establisimiyento, kabilang na ang security agencies.
Layunin nito na ipaalam sa mga empleyado ang masamang epekto ng dangerous drugs, at ang pagsasagawa ng random drug tests para sa kanilang mga opisyales at empleyado alinsunod na rin sa ipinapatupad na Dangerous Drugs Board No. 8, Series of 2003 o “The guidelines for the implementation of a drug-free workplace policies and programs for the private sector.”
Ang anti-drug advocacy program ay hindi lamang nakatutok para sa promosyon ng drug-free workplace, ngunit maging mulat o mas may kaalaman ang mga ito sa modus operandi ng mga drug syndicate na nagtatago o gumagamit ng mga high-end subdivisions, hotels, at condominiums bilang drug dens, laboratories at warehouses upang maiwasan o mapigilan ang kanilang mga ilegal na aktibidades. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.