DRUG OPERATION PAIIGTINGIN NG PNP

TINIYAK ni Philippine National Police-Director for Operations (PNP-DO) na hindi bababa ang antas ng kanilang operasyon laban sa illegal na droga sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay PNP Director for Operations, Maj. Gen. Valeriano De Leon, nakumpleto na nila ang bagong strategy plan laban sa illegal drug na kanilang ihaharap kay Interior Secretary Benhur Abalos sa pamamagitan ni PNP Officer-In-Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr.

Sinabi ni De Leon na ang kanilang programa ay nakasentro para sa mapaunlad ang kaalaman at edukasyon sa mga ire-rehab na dating drug user bago sila makabalik sa komunidad.

Aniya, kapag naiprisinta na ang programa kay Abalos ay tiyak na may dagdag kautusan para sa mas maayos na implementasyon.

Layunin ng hakbang ay bilang suporta kay PBBM na maging mahigpit ang seguridad ng bansa.
Magugunitang sa pag-upo ni PBBM ay tiniyak nito ang agresi­bong anti-illegal drug ope­rations upang wakasan ang nasabing problema na ugat ng kriminalidad.

“This is the dream of every Filipini and this dream has been our motivation to accomplish this goal,” ayon kay De Leon. EUNICE CELARIO