DRUG TEST SA HIGH SCHOOL AT COLLEGE

DRUG TESTING

INABANDONA na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang panukalang drug test¬ing sa elementary students na nasa Grade 4 pataas sa gitna ng mariing pagtutol ng Department of Educa¬tion dito.

Sa halip ay inihihirit ng PDEA  na maamyendahan ang batas at magkaroon ng mandatory drug test sa mga estud­yante mula high school hanggang college kasama ang kanilang mga guro.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, mga high school at college students na lang ang kanilang hihi­lingan na magpa-drug test at target ng tanggapan na gawin itong mandatory.

Salungat ito sa nakasaad sa Dangerous Drugs Act na random-mandatory drug test, na siyang sinusunod din ng DepEd.

“Instead of random, RA 9165 will be amended now to mandatory, lahat ng high school and college isama na natin pati teachers. Sana mapagbigyan kami ng DepEd doon,” anang opisyal

Paliwanag ni Aquino, hindi dapat ipagpaliban ang tugon sa isyu ng illegal drugs dahil sa kaso ng ilang mag-aaral na nadadawit dito.

“’Yung batas nu’ng 2002, ibang-iba na sa 2018. Ngayon, meron nang dalawang 3 years old, at merong apat na 4 years old na sangkot sa drugs.”

Aabutin umano  ng 10-taon bago tuluyang maamiyendahan ang nasabing batas.

“By amending this section 36 of RA 9165, it will take another 10 years. Now there’s a problem here, let’s do something about it, huwag nating hintayin na lumalala nang lumalala saka tayo mag-a-amend ng batas,” giit ni  Aquino.

Magugunitang umani ng  batikos ang  panukalang drug testing ng PDEA sa mga mag-aaral sa elemen-tarya.    VERLIN RUIZ

Comments are closed.