DRUG WAR NG GOBYERNO MAY INTEGRIDAD – PNP

Bernard Banac

CAMP CRAME – NANINDIGAN ang Philippine National Police (PNP) na ang bilang ng mga nasasawi at nasusugatang pulis sa mga ikinasang operas­yon ay patunay na totoo at may integridad ang drug war ng pamahalaan.

Ayon kay PNP spokesman Police Col Bernard Banac, mula 2016 ay umabot na sa 49 na pulis ang namamatay at 144 ang nasugatan dahil sa mga operasyon na may kinalaman sa ilegal na droga.

Ayon kay Banac, hangga’t maaari ay ayaw nilang may “casualty” sa war on drugs pero wala na ring nagagawa ang kanilang operatiba kapag nanlaban na ang mga suspek.

Giit nito, kaisa ang PNP sa pagprotekta sa karapatang pantao at sumusunod sa batas.

Inihayag pa ni Banac na 322 pulis na ang nasibak sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs, at 119 naman ang naalis sa puwesto dahil sa pagiging protektor umano ng mga drug suspect.

Una nang tinawag ng United Nations Human Rights Commission ang atensiyon ng PNP dahil nakababahala na raw ang bilang ng mga nasasawi sa drug war ng pamahalaan. EUNICE C.

Comments are closed.