PALALAKASIN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Local Government Units (LGUs) ang relasyon upang maging tuloy-tuloy ang pagpapabuti sa disaster response at prepositioning ng relief supplies sa panahon ng kalamidad sa bansa.
Sa ginanap na DSWD Thursday Media Forum nitong Huwebes, sinabi ni DSWD FO-National Capital Region (NCR) Director Michael Joseph Lorico at DSWD FO-3 (Central Luzon) Regional Director Venus Rebuldela ang kahalagahan ng magandang samahan sa pagitan ng LGUs at DSWD partikular na sa panahon ng kalamidad dahil mas magiging mabilis ang pamamahagi ng tulong sa mga apektadong pamilya.
Ayon kay Lorico, ang MOU sa lokal na pamahalaan ng Navotas ay magbibigay daan upang mapadali ang preposition ng mga relief goods sa storage facility ng lugar.
Ang Navotas City ay kabilang sa mga lugar na mahirap pasukin noong nagdaang bagyong Carina.
Sa kasalukuyan, ang nakapagbigay na ang FO-NCR ng 302,789 Family Food Packs (FFPs) at mga non-food items na nagkakahalaga ng P213.5 milyon sa mga pamilya na apektado ng bagyo sa Metro Manila.
Samantala, sinabi naman ni Rebuldela, malaking tulong para sa mas mabilis na pamamahagi ng tulong ang existing partnership sa lokal na pamahalaan.
Ang FO-3 ay mayroong regional warehouse sa Pampanga at Aurora province habang ang LGU naman ay may 366 owned storage facilities.
P ANTOLIN