DSWD, LTFRB, GCASH SANIB-PUWERSA SA PAMAMAHAGI NG AYUDA SA TNVS, PUV DRIVERS SA METRO

GCASH-DSWD-LTFRB

NAKIPAGSANIB-PUWERSA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Department of Transportation (DoTr)-Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa G-Xchange, Inc. (GCash), isa sa nangungunang mobile wallet platforms sa Filipinas, para sa pamamahagi ng  emergency subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) sa mga pamilya ng mga driver ng transport network vehicle services (TNVS) at public utility vehicles (PUVs) sa Metro Manila.

Layunin ng partnership na mapabilis at masigurong ligtas ang distribusyon ng cash aid dahil ang payout scheme ay nagsusulong ng cashless at  contactless transactions na alinsunod sa health and safety protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Gayundin, sa paggamit ng financial technology sa pamamahagi ng cash subsidies, layon ng dalawang ahensiya na maiwasan ang pagsisiksikan sa disbursement centers tulad ng mga bangko at mapigilan ang pagkalat pa ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Maaaring i-withdraw ng TNVS  driver-beneficiaries ang kanilang cash aid  via GCash mula sa anumang Automated Teller Machines (ATMs) sa buong bansa o gamitin ang pondo sa pagbabayad para sa physical at online transactions.

Puwede rin nilang gamitin ang GCash sa pagbabayad ng bills sa mahigit  70,000 merchants at billers, pagbili ng load, at mabilis na paglilipat  ng pera sa ibang GCash account owners o bank accounts mula sa mahigit 40 financial institutions sa buong bansa.

Ang DSWD ay inatasan ng Office of the President na pamunuan ang pamamahagi ng second tranche ng SAP payout sa low-income families na apektado ng pagpapatupad ng community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Comments are closed.