(DTI chief kumpiyansa) PH ECONOMY LALAGO NG  6-7% SA 2022

TIWALA si Trade Secretary Ramon Lopez sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa basta tama ang pamamahala sa COVID-19 at magpapatuloy ang muling pagbubukas ng mga negosyo.

Sa isang forum ng The Manila Times, sinabi ni  Lopez na posibleng maitala ng bansa ang 6 hanggang 7 percent gross domestic product (GDP) growth sa 2022.

“If all programs are set in place and the continuous recovery from the pandemic, we might be seeing 6 to 7 percent (growth) next year, being also an election year,” sabi ng kalihim.

Aniya, higit na nagiging kumpiyansa ang mga tao ngayon dahil mas kampante na silang lumabas.

“We keep on hearing and we keep on reminding that we need to manage this, and I guess (everyone) is still following the public health protocol for us to maintain this kind of momentum we are seeing and not have the surge like what is happening right now in EU (European Union) countries,” dagdag pa ni Lopez.

Binanggit din ni Lopez ang pangangailangan na pabilisin ang vaccination rollout, kabilang ang booster shots.

Sa pagluluwag sa restrictions magmula noong nakaraang buwan, inaasahan ng  trade chief ang paglago ng GDP sa fourth quarter ng taon ng 7 percent o mas mataas pa.

“We need not to have speed bumps ahead of us,” aniya PNA