AMINADO ang Department of Trade and Indusrty (DTI) na mahirap magpatupad ng price cap sa mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, posibleng mahirapan ang pamahalaan na makipagnegosasyon sa pagtatakda ng price ceiling sa oras na maging available na ang bakuna kontra COVID-19.
Sinabi ni Lopez, hindi kasi basta-basta para makabuo ng bakuna, dahil napakalaking investment nito, at ginamitan ng masusing pag-aaral para lamang makapag- develop ng COVID-19 vaccine.
Gayunman, sinabi naman ni Lopez na kumpiyansa naman sya na sa oras na maging available na sa merkado ang mga bakunang binubuo ng iba’t-ibang bansa at mga manufacturer ay magiging mura na rin ang halaga nito.
Comments are closed.