(DTI nag-deploy ng monitoring teams)PRESYO NG PULANG SIBUYAS BINABANTAYAN

NAG-DEPLOY ang Department of Trade and Industry (DTI) ng price monitoring teams upang bantayan ang pagsunod sa suggested retail price (SRP) para sa pulang sibuyas sa wet markets.

Ayon sa DTI, ang kanilang monitoring teams ay idineploy simula December 30, 2022 upang tulungan ang Department of Agriculture (DA) sa pag-check ng SRP para sa pulang sibuyas sa wet markets sa Metro Manila.

Ipagpapatuloy ng ahensiya ang price monitoring sa iba pang mga rehiyon.

Ang price monitoring ng DTI para sa pulang sibuyas ay bilang tugon sa panawagan ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. at ng DA Circular No. 12 na may petsang December 29, 2022, na nagtatakda ng SRP na P250 kada kilo para sa pulang sibuyas sa wet markets.

Epektibo ang SRP hanggang unang linggo ng Enero 2023.

“DTI is calling on sellers to keep their prices within the suggested retail prices. We are exerting every effort to ensure that prices of basic necessities and prime commodities are within the reach of Filipino consumers,” panawagan ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual.