DTI, RCBC TO BRING DIGITAL LIVELIHOOD AND BANKING TO SARI-SARI STORES

rcbc

DADALHIN ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng universal bank RCBC ang digital livelihood at virtual banking services sa mahigit 1.3 milyong sari-sari stores sa buong bansa sa pamamagitan ng isang Memorandum of Understanding (MOU) na pinirmahan noong Oktubre 18, 2019.

Sa ilalim ng MOU, itataguyod ng DTI ang virtual bank-tech app DiskarTech: Kasosyo sa Asenso ng RCBC at magbibigay ng training programs para sa mangangalakal. Ang naturang training ay magsisimula bago matapos ang taon iti sa mahigit na 1,000 DTI Negosyo Centers sa buong bansa.

Maghahandog ang DiskarTech ng digital financial services tulad ng micro-insurance, microfinancing, bills payment, at airtime and gaming e-load. The app also enables customers to open RCBC basic deposit accounts, withdraw, deposit, at transfer money na hindi na pupunta sa sangay ng bangko.

Target ng DTI at RCBC ang enterprising Filipinos bilang mga gagamit ng app, kasama ang sari-sari store at market vendors sa mahigit na 42,000 barangays sa buong bansa.

“DiskarTech is a pioneering initiative that will level up our sari-sari stores and microenterprises with a complete suite of digital financial services that is well-aligned with the 10-point Socioeconomic Agenda of the Duterte Administration,” pahayag ni DTI Secretary Ramon Lopez.

“Aside from providing additional income, DiskarTech helps achieve financial inclusion by getting more Filipinos to open bank accounts and be part of the formal financial system,” dagdag pa ni Sec. Lopez.

Binigyang-diin din niya na ang financial inclusion ay susi sa katuparan ng pananaw ni President Rodrigo Duterte  ng inclusive growth at maluwag na pamumuhay para sa lahat.

“This will also address informal lenders offering exorbitant interest rates as DiskarTech provides opportunity for new-to-credit Filipinos to access efficient and affordable credit faci­lity through self-help approach,” sabi ni RCBC Executive Vice President and Chief Innovation and Inclusion Officer Lito Villanueva.

Nauna rito, nag-apruba ang Liga ng mga Barangay National Executive Board ng resolusyon na kukunin ang DiskarTech bilang national financial inclusion accelerator sa lahat ng 42,000 barangays sa buong bansa.

Ang pumirma sa kasunduan ay sina DTI Director Emma Asusano, DTI Secretary Ramon Lopez, RCBC Chairperson Helen Y. Dee, RCBC President and CEO Eugene S. Acevedo, at RCBC Executive Vice President and Chief Innovation and Inclusion Officer Lito Villanueva.

Comments are closed.