NAGBABALA si Trade Secretary Ramon Lopez na ang pagpapataw ng retail price caps sa ilang klase ng gamot ay maaaring magdulot ng epekto sa pharmaceutical companies at alisin nila ang mga gamot sa merkado.
“Price controls are not usually encouraged… It may distort the market,” sabi ni Lopez sa isang panayam.
Sinabi ng Trade chief na posibleng dalhin ng drug manufacturers ang kanilang produkto sa ibang merkado kung magkakaroon ng price control sa kanilang mga retail prices.
“If it doesn’t make sense for them, if the market is not profitable, they can just choose not to enter that market. They may be better off selling their medicines to other countries,” sabi niya.
Nauna nang nangako si President Rodrigo Duterte na pipirmahan niya ang executive order (EO) na magpapatupad ng maximum retail prices para sa 120 mga gamot, sabay sabi na makabubuti ito para sa publiko.
Ang ipinanukalang listahan ay sumasakop sa mga gamot na ginagamit para sa hypertension, diabetes, cardiovascular disease, chronic lung diseases, neonatal diseases at major cancers, ayon sa Department of Health (DOH).
Sakop din ng panukala ang matataas na gastos sa pagpapagamot ng chronic renal disease, psoriasis, at rheumatoid arthritis.
Inaasahang ang presyo ng mga piling gamot ay may bawas na 56% mula sa kasalukuyang presyo sa merkado kapag napirmahan na ang EO ni Duterte, sabi ng DOH noong Setyembre ng nagdaang taon.
Kinontra ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines ang panukala, at nakipagtalo na ang price regulation ay papatay sa maliliit na retailers sa bansa at mapilitan ang manufacturers na konsiderahin ang paglulunsad ng mga bagong medisina.
Para kay Lopez naman, napansin niya na ang presyo ng mga gamot sa ibang bansa ay mas mababa kaysa sa Filipinas dahil sa subsidiya ng gobyerno.
Pero sinabi niya na hindi kakayanin ng bansa na mag-alok ng katulad ng subsidiya.
“We are not a rich country,” sabi ng opisyal.
Tinataya ni Lopez na mangangailangan ang Filipinas ng mahigit na P4 trilyon para makatugon sa subsidiya na iniaalok ng ibang bansa.
“That’s our entire budget. That’s what it will entail if we want to lower prices to where we want them to be via subsidies,” aniya. “Obviously, it’s the the way to do it.”
BULK BUYING
Sinabi ng Trade chief na may mas maayos na alternatibo para sa Filipinas para ang presyo ng gamot ay mas maging abot-kaya ay ang “volume procurement.”
Sa ilalim ng naturang sistema, puwedeng bumili ang state-run entity ng gamot lalo na ang mga matataas ang presyo para magamot ang mga sakit tulad ng cancer, sa maramihang volume para ito ay maging mas mababa ang presyo, sabi niya.
“A hospital, for instance, can order 60 units of a medicine for cancer at P38,000. If you can order as many as 6,000 units, you can bring that price down to just P13,000 because of volume,” dagdag pa nito.
Puwedeng tipunin ng isang government body ang mga kinakailangan ng ospital at drug stores at bilhin ang mga ito para sa kanila ng maramihan.
“The beauty of this system is the government will know exactly how much the medicines would cost, and can then guide the retail price.
“That’s what we mean by managed, maximum retail price,” ani Lopez.
Comments are closed.