(DTI umapela sa manufacturers)TAAS-PRESYO SA NOCHE BUENA ITEMS I-MINIMIZE

NOCHE BUENA PACKAGES

NANAWAGAN ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga manufacturer na i-minimize ang taas-presyo sa Noche Buena products.

Kasunod ito ng pagtataas sa presyo ng 195 mula sa 223 Christmas items ng 10 percent hanggang 27 percent.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, hindi makokontrol ng DTI ang presyo ng mga manufacturer dahil ang Noche Buena items ay unregulated products.

“These are only needed seasonally. They are neither basic nor prime,” sabi ni Castelo.

Ang magagawa lang, aniya, ng pamahalaan ay ang umapela sa mga manufacturer na huwag naman masyadong taasan ang presyo ng kanilang mga produkto.

Sakaling taasan ng Noche Buena product makers ang presyo ng kanilang mga produkto, sinabi ni Castelo na dapat ay “absolute minimum” lamang ito.

Hindi naman, aniya, maiiwasan ang price hike dahil sa tumataas na presyo ng raw materials at iba pang mga produkto.

Kabilang sa Noche Buena staples na nagtaas ng presyo ay ang ham, fruit cocktail, cheese, mayonnaise, pasta, at spaghetti sauce.