(Dumaraing na) MAINE MENDOZA LAGARE SA DALAWANG PELIKULA

maine mendoza

KAHIT ang manager ni Maine Mendoza, si Rams David, ay naawa sa tweet ng alagashowbiz eye noong isang araw na “Pagod na pagod na ako kahit Tuesday pa lang Lord pengeng lakas please.”

Bumilang ng libo-li­bong comments from fans ang daing ni Maine, na sana raw ay makapahinga naman siya.

“Hindi mo naman siya masisi dahil nagkataong recently, nagkasunod-sunod ang work niya,” sabi ni Rams.  “Magkasabay kasi niyang sinu-shooting ang dalawang movies niya, ang “Isa Pa With Feelings” with Carlo Aquino for BlackSheep Inc. at ang “Mission Unstapabol: The Don Identity” na pinagsasamahan muli nila ni Vic Sotto, at entry ng APT Entertainment, Inc. at M-Zet Productions for the coming Metro Manila Film Festival sa December, 2019.  May times nga na sa buong maghapon, magsu-shooting siya with Carlo at sa evening, sila naman ni Bossing.  Then every Tuesday, may taping siya ng “Daddy’s Gurl” na napapanood every Saturday after “The Clash.”

“Kahit hindi muna siya nagri-report sa “Eat Bulaga” daily, may pumapasok  siyang photo shoot or TVC shoot.  Iyon lamang ang maganda kay Maine, very professional siya, kahit nahihirapan, hindi niya pinababayaan ang kanyang trabaho.

“It’s good na parehong patapos na rin ang dalawang pelikula ni Maine, kaya may chance na siyang makapagbakasyon kahit ilang araw lamang,” sabi ni Rams.  “Iyon ay after niyang makapag-promote ng movie nila ni Carlo, na showing na sa October 16.”

KEN CHAN MAS KABISADO NI RITA DANIELA KAYSA SA KANYANG INA

NAGKATAWANAN sa mediacon ng “One of the Baes” na nagtatampok muli sa love dreamwaveteam nina Rita Daniela at Ken Chan, at produced ng GMA News & Public Affairs, nang kumustahin sila muli after ng sunod-sunod na mga shows na muling pinagsamahan nila, after ng drama series nilang “My Special Tatay.”

Bago kasi ang airing ng “One of The Baes,” ka-join na sila every Saturday sa musical program na “Studio 7” at ngayon ay napapanood na rin sila as Journey Hosts ng musical show na “The Clash,” the reason, na kailangan muna nilang tanggalin sa “Studio 7,” ditto with Rayver Cruz at Julie Anne San Jose dahil kasunod nito ang “Studio 7.”

“Trusted po namin ni Rita ang isa’t isa,” sabi ni Ken.  “Para nga pong mas marami pang alam tungkol sa akin si Rita, kaysa sa mommy ko,” natatawang wika ni Ken.  “Mas nasasabihan ko pa ng secrets ko si Rita, mga bagay na hindi ko masabi sa nanay ko.  Ako man ay kilalang-kilala ko na si Rita.  Kapag magkasama kami sa set, alam ko na kung nagugutom na siya, kung inaantok na siya, kung sinusumpong siya ng acid reflux niya, hindi na niya kailangang magsalita pa.

“Kahit po sa mga eksena namin, hindi na namin naiisip na kami si Ken at si Rita, kami na iyong characters na ginagampanan namin.  Ganoon po pala kapag trusted mo na ang kasama mo, hindi ka na mahihirapang gawin ang mga eksenang nabasa mo na sa script.”

Paano ang fans nila na ang wish ay ma­ging sila nang dalawa off-camera?

“Sana po ay maunawaan nilang nakabuo kami ni Rita ng ibang klase ng friendship.”

Sa Monday, mapapanood na ang “One of the Baes” after ng “The Gift.”

Comments are closed.