DUMAYO PARA MAGBENTA NG SHABU KALABOSO

CAMARINES SUR – NASILAT ang pagdayo sa lalawigang ito para magbenta ng shabu ang da­lawa katao kabilang ang isang babae makaraang maaresto sa anti-illegal drug operation sa Zone 1, Barangay San Jose, Milaor.

Swak sa selda sina Christine Luzvi Nuevo at Marlon Luisse Espiritu, na umano’y mula pa sa Cavite at nagtungo lamang sa Camarines Sur upang ibenta ang pinaniniwalaang shabu.

Sinabi ni S/Insp. Antonio Per Jr., hepe ng Milaor-Philippine National Police, pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Camarines Sur ang operasyon na nauwi sa pagkakahuli sa mga suspek.

Narekober sa dalawa ang kotseng ginamit sa pagpunta sa Milaor, at ang nasa mahigit 500,000 kilo ng shabu na tinatayang P3.5 milyon ang ­halaga.      AIMEE ANOC

Comments are closed.