NATURUKAN na rin ng bakuna kontra COVID-19 maging si Health Secretary Francisco Duque III.
Batay sa ulat, isinagawa ang pagbabakuna ng unang dose ng Sinovac vaccine kay Duque sa gym ng Department of Health (DOH) sa Maynila dakong 10:00 ng umaga ng Biyernes.
Dumaan muna ang kalihim sa screening process bago tuluyang bakunahan.
“As I receive my dose of the COVID-19 vaccine today, I invite everyone to do the same, and choose to be protected,” pahayag pa umano ni Duque, matapos mabakunahan.
“Let us all take part in protecting public health, and let us be in unison in spreading one message: that vaccines are safe, and vaccines are effective,” panawagan pa niya.
Si Duque, na isang senior citizen na, ay una na ring nagkaroon ng COVID-19 noon at kaagad din namang gumaling.
Isinagawa ang pagtuturok ng Sinovac sa kanya matapos na aprubahan na ang paggamit ng naturang bakuna para sa mga senior citizen.
Matatandaang si Duque sana ang unang tuturukan ng bakuna sa pagsisimula ng vaccination drive sa bansa noong Marso, ngunit hindi ito natuloy dahil dati ay inirerekomenda lamang ang Sinovac sa mga clinically healthy individuals na nagkakaedad ng 18 hanggang 59 taong gulang. Ana Rosario Hernandez
685655 931164bless you with regard towards the specific weblog post ive genuinely been searching regarding this kind of details on the web for sum time correct now as a result cheers 999358
257954 628565But wanna remark which you have a really decent internet website , I really like the design it truly stands out. 581002
99190 28889It can be difficult to write about this topic. I believe you did an superb job though! Thanks for this! 95254
448487 900008Music started playing anytime I opened this web internet site, so annoying! 630858