DUTERTE BUKAS SA NEGO SA BAGONG WATER AGREEMENTS

DUTERTE-MANILA WATER-MAYNILA-2

BUKAS si Pangulong Rodrigo Duterte sa negosasyon kapag tinanggap ng Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Co. Inc. ang mga kondisyon sa bagong water concession agreements.

Sinabi ni Duterte na kung payag  ang dalawang water consessionaires sa  mga nakasaad na kondisyon  na nasa proposal ay  sa palagay nito ay maaari siyang makipag-usap  sa kanila.

Batay sa pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo,  hindi naglalaman ang bagong agreement  ng mga probisyong  hindi  makatutulong sa gob­yerno at sa publiko.

Matatandaang bi­na­tikos ng Pangulo ang mga probisyon sa  mga kasunduan  ng water concessionares  na nagbabawal sa gob­yerno na pakialaman  ang pagtatakda ng water rate ng mga ito ganoon din ang  “liability clause” rito.

Muling ipinaalala ng Pangulo na kapag  tinanggihan  ng  dalawang water firms ang kontrata ay kanyang iuutos ang military takeover ng Maynilad at Manila Water bunsod ng mga anomalya sa water concession agreement.

“If you do not sign the contract, there is no contract because we have terminated it. For all intents and purposes, I will take over both Maynilad and Manila Water. I will nationalize it, meaning it will be operated by the govern-ment, and it’s there, it’s existing,” ang pahayag nito.

Lahat umano ng kontra  na disadvantageous  sa mga Filipino  ay dapat na maitama.

“I will not be intimidated, or even fear, of the possibility of a reduced investment in this country. What I’m after for is justice for the Filipino people,”  pahayag panito.

Kinukuwestiyon din  ng gobyerno ang  pagpapalawig sa  concession agreements ng hanggang  2037,   na dapat sana ay sa 2022.

Comments are closed.