DUTERTE MAGPAPABAKUNA NG SINOPHARM

HANDA nang magpabakuna si Pangulong Rodrigo Duterte ng anti-COVID-19 vaccine na gawa ng kompanyang Sinopharm ng China sa sandaling maaprobahan ng Food and Drug Administration ang aplikasyon nito para sa emergency use authority (EUA) sa Filipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hinihintay na lamang ng Pangulo ang approval ng FDA para sa EUA.

Inamin din ni Roque na pinag-aaralan na ng legal team kung maaaring ibakuna sa Pangulo ang gawa ng Sinopharm kapag may permit na ito mula sa FDA.

“Mag-aantay po siya ng EUA ng Sinopharm,” pahayag ni Roque sa televised press briefing.

“Naka-file na po ang application ng Sinopharm [for EUA] before the FDA,” dagdag pa ni Roque.

Inihayag naman ni FDA director general Eric Domingo na nag-file on line ang Sinopharm ng application for EUA noong Lunes ng hapon.

Ang isang bakuna ay kailangang may kaukulang EUA mula sa FDA para maging legal itong magamit sa bansa gayunman pinapayagan ang paggamit ng bakuna kahit walang EUA approval subalit kailangang matiyak na may kaukulang compassionate use permit.

Nauna rito ay iniulat na nabakunahan na rin ng Sinopharm ang mga miyembro ng Presidential Security Group noon pang Oktubre ng nakaraang taon. EVELYN QUIROZ

3 thoughts on “DUTERTE MAGPAPABAKUNA NG SINOPHARM”

  1. 572123 172600This Los angeles Weight Loss diet happens to be an low and flexible going on a diet application meant for typically trying to drop the weight as effectively within the have a considerably healthier lifetime. lose weight 864582

  2. 496632 955493Soon after study a handful of the content material inside your internet web site now, and that i genuinely such as your method of blogging. I bookmarked it to my bookmark web internet site list and are checking back soon. Pls appear into my web site as nicely and tell me what you believe. 888651

Comments are closed.