(Duterte nanindigan) BAWAS-TARIPA SA PORK IMPORT MANANATILI

Harry Roque

HINDI magbabago ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagbababa ng taripa sa mga inaangkat na karne ng baboy sa bansa.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque makaraang sabihin ng Pangulo sa kaniyang public address noong Lunes ng gabi na naiintindihan niya ang mga senador sa nais ng mga ito na bawiin ang Executive Order No. 128 na nagbababa ng taripa sa imported pork.

Matatandaan na sinabi rin ng Pangulo na madali na lamang bawiin ang EO sa oras na lumakas na ang lokal na merkado.

“Kung medyo malakas na yong market and there is a movement, madali lang naman. We can always withdraw the EO that I signed,” sabi ng Pangulo.

“Madali lang naman ‘yan. It’s just temporary measure really to bring down the prices, but the senators see it in a different light” dagdag pa ng Pangulo.

Ayon kay Roque, tulad ng sinabi ng Pangulo  at mga economic manager, pansamantala lamang ang hakhang na ito habang hindi pa ganap na nakakapagparami ng alagang baboy ang mga hog raiser sa bansa.

Binigyang-diin ni Roque ang kahalagahan na maibaba ang presyo ng karne ng baboy dahil tulad ng binanggit ng NEDA, malaking ambag sa overall inflation rate ang presyo ng baboy. EVELYN QUIROZ

4 thoughts on “(Duterte nanindigan) BAWAS-TARIPA SA PORK IMPORT MANANATILI”

Comments are closed.