DUTERTE SA BIR KICK-OFF!

Erick Balane Finance Insider

PANAUHING pandangal si Pa­ngulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte sa idinaos na 2020 tax campaign kick-off ng Bureau of Intrernal Revenue (BIR) sa Philippine International Convention Center (PICC) na inaasahang dadaluhan ng mga tinaguriang ‘the rich and famous business magnate’ para makuha ang target tax collection goal na P2.617 trillion, mas mataas ng 13.13 percent kumpara sa nakalipas na 2019 taxable year.

Inaasahang ihahayag nina Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez  III at BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay ang 10-point agenda ng Kawanihan ng Rentas sa pagsusulong ng mga pagbabago o reporma sa tax system, major revamp, clean-up cleansing drive at mga paraan sa pagkumbinsi sa taxpaying-public na magbayad ng tamang buwis.

Isang papuri ang inaabangan sa ipinamalas na magandang tax collection performance nina BIR Regional Directors Grace Javier (Caloocan City), Glen Geraldino at Maridur Rosario (Makati City), Albin Galanza at Romulo Aguila (Quezon City), Jethro Sabariaga (Manila), Ric Espiritu (Laquemar), Ed Tolentino (San Fernando, Pampanga), Dante Aninag (Cagayan De Oro City), Josie Virtucio (Tuguegarao) at iba pa.

Sa kanyang advance congratulatory letter kay Commissioner Dulay, pinuri ng Chief Executive ang masigasig na tax campaign at pakikidigma ng BIR at Bureau of Customs (BOC) laban sa erring o tax evaders – kinabibila­ngan ng mga trader, prominent businessmen at maging ang mga smuggler na nasa likod ng smuggling activities sa Aduana at ang pandaraya sa bayaran ng buwis sa Kawanihan.

Nagbunyi ang mga opisyal at kawani ng BOC at BIR sa ipinamalas na tax collection performance nina Commissioners Guerrero at Commissioner Dulay sa pangunguna ni Deputy Commissioner for Operations Arnel Guballa at nina Metro Manila Re­venue District Officers Vicente  ‘Boy’  Gamad (Pasig City), Bethsheba Bautista (San Juan City), Joe Luna (Quiapo, Manila), Arnold Galapia (QC South), Antonio ‘Jun’  Mangubat, Jr. (Parañaque City), Rufo Ranario (Valenzuela City) at iba pa.

“The President congratulated the men and women of BIR-BOC for the services of the JOB WELL DONE,”  ani Secretary Sonny.

Ngayong taxable year 2020, ang BIR ay may tax goal na P2.617 trillion, mataas ng 13.13 percent sa 2019 tax goal; samantalang ang BOC ay P748.2 bilyon o nag-increase ng 12.99 percent kumpara sa kasalukuyang tax goal.

Sa taxable year 2021, ang BIR ay tinokahang kumolekta ng P2.942 trillion, mataas ng 12.42 percent; (BOC) – P826.2 bilyon, mataas ng 10.43 per-cent; at sa taxable year 2022 – para sa BIR – P3.312 trillion, increase by 12.42 percent; at BOC – P914.8 bilyon o mataas ng 10.17 percent.

Inaasahan namang aaksiyunan ni Commissioner Dulay ang suhestiyon nina Director Galanza at RDO Galapia na bawasan ang kasalukuyang goal ng QC-South matapos mapasakop ang limang barangays sa distrito ng  Novaliches.

Umaabot sa P36 bil­yon ang target tax goal ng QC-South, samantalang P6 bilyon lamang ang sa QC Novaliches.

Nais naman ni RDO Ranario na pabalikin sa distrito ng Valenzuela ang mga may-ari ng business firms na nagsipaglipatan ng address upang makaiwas sa dapat bayarang buwis. Ang mga may-ari ng mga business establishments na hinahabol ng BIR sa unpaid taxes ay lumipat sa ibang lugar para makaiwas sa dapat bayarang buwis habang ang kanilang negosyo ay nananatili sa Valenzuela City.

Sa pinakahuling re­venue travel assignments na pinalabas ni Commissioner Dulay, itinalaga nito bilang mga bagong RDO sina Jose Hernandez (Intramuros, Ermita, Malate), Christine Cardona (Chief Excise Audit Division), Antonio Ilagan (North QC), Malic Umpar (Davao City), Mary-Ann Cervantes (Digos City, Davao Del Sur), Avia Globasa (Cebu City), Narciso Laguerta (Laquemar), Carlos Salazar (Gumaca, Quezon), Mercedes Estalilla, San Fernando, Pampanga); at Esperanza Castro (Olongapo City).

Sa nasabing ‘kick off’ ng BIR, bukod sa Pangulong Duterte ay inaasahan din ang pagdalo ng mga economic leader ng Malacañang, mga prominenteng mangangalakal at ordinaryong taxpayers para mahimok na magbayad ng tamang buwis at iwasan ang pandaraya upang hindi makasuhan ng tax evasions sa mga korte.



(Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09293652344/ 09266481092 o email: erickbalane04­@yahoo.com)

Comments are closed.