DWIZ 882: PAMANANG TODO LAKAS SA RADIO NI AMBA 27 TAON NA

NOONG Mayo 18, Biyernes, ay ipinagdiwang ng Aliw Broadcasting Corporation  (ABC) sa pamumuno ni Chairman and President D. Edgard Cabangon ang ika-27 anibersaryo ng Todo Lakas sa Balita na DWIZ 882.

Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng holy mass na pinangunahan ni Fr. Hanz Magdurulang. kung saan ang sermon ay umikot sa guidance.

Paggabay mula sa ama ng DWIZ 882 na si dating Amb. Antonio L. Cabangon Chua na ang hangad ay magpatuloy ang trabaho ng kaniyang mga kawani.

Gayunman ang patuloy na pagtatrabaho sa ilalim ng ABC ay may kinakailangang gawin,  ito ay pagmamahal sa trabaho.

Sa talumpati ni ABC Vice President and Gen.Manager D. Adrian C. Cabangon, pinasalamatan nito ang kanilang ama at kapatid na si Chairman Edgard dahil sa patuloy na paggabay sa kanila para sa mas maayos na organisasyon sa Todo Lakas na radio station.

“Guided tayo ni Kuya Edgard and Dad, kaya ibigay din natin ng todo ang ating serbisyo,” ayon sa nakababatang Cabangon.

MAHALIN ANG TRABAHO

Pinayuhan naman ni Chairman Edgard ang mga tauhan na mahalin ang iniatang na trabaho sa mga kawani ng ABC.

“Kung mahal ninyo ang pamilya ninyo, mahalin ninyo ang inyong trabaho,” bahagi ng talumpati ni Chairman Edgard Cabangon

Tiniyak naman nito na suportado ang bawat manggagawa ng ABC subalit dapat aniyang makipagtulungan din sa management sa pamamagitan na kapag may nagkakamali ay tulungan ang mga ito na maitama.

“We are here to support you but it should be a two-way, tumulong din kayo, magtulungan tayo para umasenso tayo, at patunayang lahat tayo ay guided ng dad,” ayon kay Chairman Edgard.

Kabilang naman sa dumalo sa simpleng selebrasyon ang ilang anchor at host ng mga prog­ram sa DWIZ na sina dating Bulacan Gov. Obet Pagdanganan, GALING MO PINOY, GANDA MO PINAS; Atty. Trixie Angeles ng KARAMBOLA at Ka Freddie Aguilar ng PUSONG PINOY.

MGA MANGGAGAWA PINARANGALAN 

Kinilala naman ang pagiging tapat ng ilang manggagawa na sentro ng selebrasyon.

Sa news department kasama si Andrew Nacino, Rianne Briones, Jenny Valencia na limang taon na sa kompanya.

Kasama rin ang mga awardee na sina Basilio Nabua, Frederick Belamala, Gerry Esmaguillan at si Executive Vice President Ely Aligora

MGA INAABANGANG PROGRAMA

Hitik din sa balita ang kanilang Balitang Todo Lakas, Ratsada Balita at tatlong episode ng Balita Nationwide, Oh IZ kung saan ang mga tagapagbalita ay sina Edwin Eusebio, EVP Ely Aligora,  Alex Santos at  Andrew Nacino,  mula umaga, tanghali at sa hapon.

Habang siksik sa impormasyon at entertainment ang kanilang mga program.  Kabilang sa mga programa ang  na IMEE… SAGOT, kasama sina Gov. Imee Marcos at Mayor Alfred Romualdez; KARAMBOLA nina Jojo Robles, Conrad Banal, Jonathan Dela Cruz, RJ Nieto aka Thinking Pinoy at Atty. Trixie Cruz-Angeles; Yes, Yes Yo, Topacio, kasama sina Atty. Ferdinand Topacio at Doc Che Lejano; DWIZ Connect, kasama si Edwin Eusebio; PILIPINAS NGAYON NA, nina dating Usec Robert T. Rivera at Lolly Acosta; IN THE HEART OF BUSINESS nina Ron Merk, Bong Osorio, Marou Sarne at guest host Sen. Cynthia Villar; PUSH MO YAN TEH ni Ruth Abao; SULONG NA BAYAN nina Lolly Acosta at Sandra Cam; DOBLE BANDA nina Rey Pacheco at Rene Jose; PINOY, KAYA MO YAN nina Fabi Cariño at Leo Gellor; RADYO KLINIKA ni Marou Pahati-Sarne; BUHAY AT KALUSUGAN ni Chat Rami-rez; GKTK UPGRADE nina Lady Camille, Serr John, Ms. Samantha G. at Ka Rey Herrera; PANGGA RUTH ABAO LIVE; STAR NA STAR nina Pete Ampoloquio, Peter Ledesma at Papa Umang.

Hindi rin pahuhuli ang LAUGHINGLY YOURS MS. MIMI, nina Ms. Mimi at Lollipop; BUKID SA HIMPAPAWID ni Antonio ‘Ka Tunying’ Santos; ELY MORNING, kasama si Ely Aligora; SIYASAT; SAPOL nina Jarius Bondoc at Ms. Marissa; MR. TAXMAN nina Cely Ortega-Bueno at Gerry Flores; LABAN  PARA SA KARAPATAN ni Atty. Lorna Kapunan; BALITANG NAIA ni Raoul Esperas.

Todo balitaktakan naman sa DERETSUHAN SA GRAPHIC kasama sina Joel Pablo Salud, Alma Anonas Carpio at Fil Elefante; USAPANG SENADO ni Cely Ortega-Bueno; WORDS AND MUSIC ni Richard Merk; MAG-USAP TAYO nina Monchet Laraño at Cris Laraño; GLOBAL PINOY ni Susan ‘Toots’ Ople; PULIS AT YOUR SERBIS; POSITIVE SESSION NI GEORGE SISON; KAIBIGAN SA KALUSUGAN ni  Richard Gomez; ECCLESIA IN ASIA ni Sabino Vengco; DIREK HEIDI ni Heidi Sison; KALUSU­GANG KA­KABILIB; UY GAN­YAN ANG TAMA nina Maricel Gaskell at Marou Pahati-Sarne; SUNDAY MEMORIES ni Edwin Eusebio; SE­NIOR CITIZEN’S FORUM nina Meng Canlas at Noli Villafuerte; PASIKLABAN SA DWIZ kasama si Mar Lopez.

Habang makabuluhan din ang USAPANG HUGOT, BELLA FILIPINA ni Bb. Didi Magpayo; ROCK MY SALVATION at ANONG SEY NI FATHER? kasama sina Fr. Jojo Buenafe at Fr. Lucky Acuña.

TINIG SA MGA BALITA

Buo ang pagbabalita ng DWIZ 882 bunsod ng mga field reporter na sina Cely Bueno; Raoul Esperas, Aya Yupangco,  Jill Resontoc, Bert Mozo,  Jonathan Andal, Jopel Pelenio at Gilbert Perdez.

MASUSING SALANSAN NG ISTORYA

Sentro rin ng pagbabalita ang newsroom ng DWIZ 882 sa pangu-nguna ni News Director Jun del Rosario at assistant nito na si Len Aguirre, Judith Estrada-Larino, Jaymark Dagala, Rianne Briones at iba pa.

Malaki rin ang ginagampanan ng mga broadcast technician sa studio at maging sa transmitter upang maihatid ang balita, impormasyon at musika sa buong bansa na isang pangarap na natupad ni Amba.  EUNICE CALMA

Comments are closed.