Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
3 p.m. – NLEX vs NorthPort
6 p.m. – Blackwater vs Magnolia
DINUROG ng Meralco ang Terrafirna, 105-89, sa kanilang huling laro sa 2022 PBA Philippine Cup elimination round kagabi sa Araneta Coliseum.
Sa kanilang ikalawang sunod na panalo, tinapos ng Bolts ang elims na may 7-4 record, at hindi na bababa sa fifth seed.
Samantala, nalasap ng Dyip ang 0-11 conference finish, ang kanilang unang winless run magmula noong 2017 Governors’ Cup, noong sila at tinatawag pang Kia Picanto.
Pinangunahan ni Chris Newsome ang limang Meralco players sa double-digit sa kinamadang19 points, 6 rebounds, at 5 assists. Nagtala si Aaron Black ng 16 points, 5 boards, at 5 dimes, habang nag-ambag si Raymond Almazan ng 14 points at 9 boards sa loob ng 20 minuto lamang na paglalaro.
Galing sa third-quarter run kung saan lumapit sila sa 65-71, salamat sa pananalasa ni Aldrech Ramos, patuloy na lumaban ang Dyip sa fourth, at napanatili ang single-digit deficit, 71-80, sa kaagahan ng period.
Gayunman ay hindi natinag ang Bolts at lumayo sa 16-7 surge, na tinuldukan ng kayup ni Black para sa18-point lead, 96-78, may 3:35 sa orasan.
Nanguna si Ramos para sa Dyip na may 24 points mula sa bench sa 9-of-12 shooting, at 6 rebounds sa 31 minutong paglalaro. Umiskor si Eric Camson ng 14, habang kumubra sina Andreas Cahilig at Joshua Munzon ng tig-13 points. CLYDE MARIANO
Iskor:
Meralco (105) – Newsome 19, Black 16, Almazan 14, Maliksi 14, Quinto 13, Caram 7, Pascual 6, Hodge 4, Banchero 4, Jose 4, Hugnatan 2, Pasaol 2, Belo 0, Johnson 0, Baclao 0.
Terrafirma (89) – Ramos 24, Camson 14, Cahilig 13, Munzon 13, Gabayni 9, Calvo 5, Gomez de Liano 5, Tumalip 2, Javelona 2, Mina 2, Balagasay 0.
QS: 27-16, 52-41, 73-65, 105-89.