DYIP ‘DI UMUBRA SA HOTSHOTS

DYIP VS HOTSHOTS

Mga laro sa Biyernes:

(Cuneta Astrodome)

4:30 p.m. – Alaska vs TNT

7 p.m. – Meralco vs Rain or Shine

NAITALA ng Magnolia ang unang winning streak sa 2019 PBA Philippine Cup makaraang durugin ang Columbian, 109-83, kagabi sa  Araneta Coliseum.

Tumirada si Ian Sangalang ng 16 points, 6 rebounds at 1 block upang pangunahan ang tatlong iba pang players na nagposte ng double digits.

Umangat ang Hotshots sa 3-4 kartada upang lumakas ang kanilang tsansa na makasambot ng puwesto sa susunod na round.

Habang si Sangalang ang naghatid ng finishing touches,  si Aldrech Ramos ang nagsindi sa first-half assault ng Hotshots sa pag-tala ng lahat ng kanyang 10 points sa unang dalawang yugto.

Naitarak ng Magnolia ang 48-38 bentahe sa halftime at hindi na lumingon pa, kung saan umabante ito ng hanggang 28 points, 109-81.

Tumapos si Mark Barroca na may 14 points at 6 assists, habang nagdagdag si Rome dela Rosa ng 12 points at 7 rebounds.

Nagtuwang sina Rodney Brondial at Jio Jalalon para sa 11 boards at nag-ambag si Kyle Pascual ng 8 points para sa Magnolia.

Nanguna si Rashawn McCarthy para sa Dyip na may 19 points, 3 rebounds at 3 assists, habang nag-ambag sina Jackson Corpuz ng 12 points at 11 boards, at CJ Perez ng 14 points. CLYDE MARIANO

Iskor:

Magnolia (109) – Sangalang 16, Barroca 14, Dela Rosa 12, Ramos 10, Jalalon 9, Brondial 9, Pascual 8, Reavis 7, Melton 6, Lee 6, Simon 5, Gamalinda 4, Herndon 3, Abundo 0, Calisaan 0.

Columbian (83) – McCarthy 19, Perez 14, Corpuz 12, Camson 9, Khobuntin 6, Faundo 5, Calvo 5, Reyes 4, Gabriel 4, Cahilig 4, Agovida 1, Escoto 0, Cabrera 0, Celda 0.

QS: 22-12, 48-38, 75-57, 109-83