NAGPARAMDAM ang Terrafirma 3×3 sa pagsisimula ng Leg 2 ng PBA 3×3 Lakas ng Tatlo Third Conference makaraang pataubin ang Sista Super Sealers at ang Leg 1 winner TnT nitong Sabago sa Robinsons Place Las Pinas.
Ginapi ng Dyip quartet nina Jeremiah Taladua, Jebb Bulawan, Shaq Alanes at Red Cachuela ang Super Sealers, 19-17, bago dinispatsa ang back-to-back-seeking Tropang Giga, 21-17.
Ang Raymond Tiongco-coached crew ay nasa posisyon para umusad sa quarterfinals makaraang magtapos sa ika-9 na puwesto sa opening leg noong nakaraang linggo.
Target ng Dyip na pormal na umabante bilang Pool A topnotcher sa ikatlong panalo kontra NorthPort sa pagtatapoa ng elims sa Linggo.
Pumapangalawa ang Tropang Giga na may 1-1, ang kanilang panalo ay kontra Batang Pier, 21-8. Nagtala naman ng panalo ang NorthPort nang madominahan ang Sista, 17-10.
Napantayan ng Purefoods ang 2-0 simula ng Terrafirma sa Pool C para manguna sa paghahabol sa quarterfinals sa kanilang grupo.
Naitala ng Barangay Ginebra, ang Leg 1 runner-up, ang come-from-behind 21-20 win kontra First Conference champion Limitless App para manguna sa Pool B.