EASY basket ni Frederick Tungcab ng TNT laban kay Isaac Go ng Terrafima sa PBA on tour sa Ynares, Pasig City. Kuha ni RUDY ESPERAS
Mga laro bukas:
(Ynares Arena-Pasig)
5 p.m. – Blackwater vs NorthPort
7:30 p.m. – Phoenix vs NLEX
NALUSUTAN ng Terrafirma ang pagkawala ng isa pang key player upang maitakas ang 104-90 panalo kontra TNT sa PBA On Tour kahapon sa Ynares Arena sa Pasig City.
Umiskor si Juami Tiongson ng team-high 21 points at sinindihan ang decisive surge upang ma-outscore ng Dyip ang Tropang Giga, 42- 25, sa third period bago sinimulan ang fourth quarter sa pamamagitan ng 15-0 run para sa 95-67 kalamangan.
Nag-ambag din ang mga tulad nina Allen Mina, Isaac Go, Andreas Cahilig at JP Calvo sa unang panalo ng Dyip sa tatlong pagtatangka sa pre-season tournament.
“We really moved the ball, we played as a team, everyone was touching the ball, everyone had rhythm,” paglalarawan ni Tiongson sa malaking turnaround mula sa kanilang first half performance kung saan naghabol sila sa hanggang 19-32.
Ang perpektong halimbawa ay ang sec- ond-half game ni Mina, na naitala ang lahat ng kanyang 10 points at ang kanyang 3 assists sa third period na nagbi- gay-daan upang kunin ng Dyip ang 80-67 sa huling 12 minuto ng laro.
“You can see Mina getting his rhythm. He was going with the flow in our offense,” sabi ni Tiongson, na naitala ang pito sa kanyang mga puntos sa unang 3:21 ng third period upang itabla ang laro sa 50-all
Gayunman, ang panalo ay naitala nang may kapalit makaraang magtamo si Kevin Ferrer, hindi naglaro sa 94-100 loss sa Blackwater dahil sa sore hand, ng pulled left hamstring, may 14 segundo ang nalalabi sa second quarter. Ang veteran forward ay kinailangang ilagay sa stretcher palabas ng court at idiniretso sa kalapit na ospital.
-CLYDE MARIANO