INANUNSIYO ng Matropolitan Manila Development Authority (MMDA) na simula sa darating na Mayo 27 ay uumpisahan na ang panghuhuli sa mga electric bikes, electric tricycles at iba pang light vehicles na dumadaan sa pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Ito ang inIhayag ng MMDA matapos na palawigin pa ng isang linggo ang grace period para sa istriktong pagpapatupad ng bagong polisiya.
Kasunod ito ng hiling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa MMDA ma i-waive ang penalties para sa mga violator hanggang Mayo 18 at pagsabihan ang mga gumagamit ng naturaang light vehicles na huwg dumaan sa major thoroughfares sa Metro Manila.
Ayon naman kay MMDA acting chairman Don Artes, ang isang linggo extension ay magbibigay ng pagkakataon sa mga may-ari at drivers ng electric vehicles na mag-comply sa pagpapaheristro ng kanilang mga sasakyan o kumuha ng lisensiya papagmamaneho.
Ang mga mahuhuling walang lisensiya o walang vehicle registration papers ay mai-impound ang kanilang mga sasakyan simula sa Lunes at papatawan ng kaukulang multa ng aabot sa halagang P2,500. EVELYN GARCIA