E-PAINTERS NANALASA SA CEBU

on the spot- pilipino mirror

NAKAHIRIT pa ng panalo ang Rain or Shine kontra San Miguel Beer, 91-85, sa out of town game nila sa Lapu Lapu, Cebu. Nakapaglaro na si Ray Nambatac matapos na magpahinga ng isang laro dahil sa na-sprain na kaliwang paa laban sa Barangay Ginebra. Si Jayvee Mocon ang napiling ‘Best Player of the Game’.Dinumog ang naturang laro. Hindi pa rin nakapaglaro si James Yap dahil sa groin inijury. Congrats, ROS.

oOo

Hindi naman sinuwerte ang TNT Katropa kung saan tinalo sila ng kampo ng Barangay Ginebra. Si Japeth Aguilar naman ang nahirang na ‘Best Player of the Game’ sa naturang laro. Walang nagawa si Ray Parks na bagong salta sa Katropa, OKs din ang laro niya sa kanyang bagong tahanan. Pero ‘di sapat ang dagdag sa Tropa, kapansin-pansin ang pagkawala ni Jason Castro sa team.

Speaking of Aguilar, kung kailan siya nag-asawa ay mukhang mas lumakas ang kanyang tuhod. Very inspired ang Kapampangan player sa pakikipag-isang dibdib sa kanyang longtime girlfriend na isang Fil-Korean. Ang titindi ng dunk na kanyang pinakawalan na hindi naman niya ginagawa noon. Basta may makitang open, dumadakdak si Aguilar. Siya ang na­nguna sa panalo ng team para payukuin ang Texters.

oOo

Get well soon kay Mr. Bong Tan, team owner ng Tanduay, Batangas, at ng UE Warriors. Nag-collapse umano si Mr. Tan habang nagba-basketball ito at isinugod sa pinakamalapit na hospital. Bata pa si Bong Tan ay mahilig na ito sa sports, lalo na sa basketball. Kung hindi ako nagkakamali, si Tan ang head coach ng UE Warriors at tumutulong sa kanya si coach Lawrence Tiongson.

oOo

Sa unang pagkakataon ay nanalo ang Philippine Women’s Baseball team sa international game makaraang tambakan ang Hong Kong, 12-3, sa opening game ng II BFA Asian Women’s Baseball Tournament na ginawa sa Shenzhen, China. Sinabi ni PABA president Chito Loy­zaga na ang susunod na makakasagupa ng koponan ay ang Korea ngayong Lunes ng ­umaga sa Panda Stadium. Good luck!

Comments are closed.