Electric Vehicle o EV ang tawag sa sasakyang pinatatakbo ng kuryente mulla sa baterya o sa solar source. Minsan, E-bike ang tawag dito o kaya naman ay E-cars. Kahit ano pa man yan, basta pinatatakbo ng baterya, EV ang tawag dyan.
Ito ang new wave ng sasakyang bagay na bagay sa mga millennials, ngunit higit sa mga nakatatanda, dahil ang takbo nito ay hindi tataas sa 25 kph.
Ito ang sasakyang kinagigiliwan ngayon ng mga Filipino, lalo na ang mga nakatatanda. Hindi kasi ito delikado dahil kanggang 20 lang ang pinakamabilis nitong takbo, kaya nga hindi na kailangan pang kumuha ng lisensya sa pagmamaneho. Bukod dyan, wala nang pakialam sa pagtaas ng presyo ng gasoline dahil hindi mo kailangan ito. Environment friendly pa dahil walang inilalabas na maitim na usok. Lower maintenance din dahil bihirang masira.
May 36 modelo ng Electric Cars sa Pilipinas, pero ang pinakapopular ay ang Jetour, BYD, MG, Kia at Nissan. Mind you, malaki ang epekto nito sa ekonomiya. Isipin nyo na lang, mas murang mag-charge sa kuryente kesa gumamit ng petrol o diesel. Hindi rin kailangang magaling ang driver dahil hindi pwedeng mabilis ang electric vehicles.
Sa isangbanda, may mga disadvantages din naman ito. Una, kailangang laging full charge para magamit maghapon. Medyo mahal din ang initial investment. Pero sabagay, hindi naman talaga mura ang sasakyan. Isa pa, hindi libre ang kuryente. At pag nag-brownout, hindi ka makaka-charge kaya hindi mo magagamit ang EV mo. At higit sa lahat, short driving range kang ito at 25 kph lang ang kaya nitong speed. In other words, hindi pwede sa kaskasero.
In na In ang EV sa mga Millennials (40%) at Gen Xers (33%) at konti lang sa Baby Boomers (22%). Pero sa totoo lang, Baby Boomers ang may may kailangan sa EV. Baby Boomers kasi ang kasalukuyang henerasyon ngayon ng nakatatanda. Walang clutch, walang pedal, kaya kahit lumpo, pwede itong patakbuhin. Hindi rin kailangan ang lisensya. Pero syempre, kailangan pa ring maayos ang paningin para hindi madisgrasya. Ang mas mahalaga, nakatutulong ito sa jkalikasan dahil hindi nakaragdag sa polusyon.
Dahil mabagal lang, hindi na kailangang kumuha ng driver’s license ng tsuper, dahil considered itong parang bisikleta lamang. At ayon sa patakaran ng LTFRB at LTO, kapag hindi gumagamit ng gasolina ang sasakyan, hindi na ito kailangang iparehistro at hindi rin kailangan ang driver’s license.
NLVN