Standings W L
UP 6 1
NU 6 1
Ateneo 4 3
DLSU 4 3
AdU 3 4
UE 2 5
FEU 2 5
UST 1 6
TUMUKOD ang defending champion Ateneo sa regulation at nag-regroup para umalagwa sa overtime upang biguin ang kampanya ng University of the Philippines para sa first round sa 99-89 panalo sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa harap ng 12,122 fans sa Mall of Asia Arena.
Isang hookshot ni Malick Diouf ang nagtabla sa laro sa 85-85, may 3:04 ang nalalabi nang tampukan ng slam dunk ni Joseph Obasa ang 7-0 run ng Blue Eagles para sa 92-85 kalamangan sa 1:27 mark.
Mula roon at hindi na nakarekober pa ang Fighting Maroons upang maputol ang kanilang six-game winning streak.
Pinasimulan ang araw ng reversals, winakasan ng University of Santo Tomas ang19-game losing streak at sa wakas ay binigyan si returning coach Pido Jarencio ng kanyang unang panalo sa 68-62 decision kontra Far Eastern University.
Tinapos ng Ateneo ang first round sa pamamagitan ng back-to-back wins upang makatabla ang fabled rivals La Salle sa third at fourth spots sa 4-3, dalawang laro sa likod ng UP at National University, na nasa 1-2 na may magkatulad na 6-1 kartada.
Ang panalo, ang una sa kanilang tatlong overtime games ngayong season, ang tumapos sa roller coaster first round ng Ateneo.
“It just feels good to win. We’ve been on the losing end three times this year. That doesn’t feel good. You can’t belittle the fact that you beat a team that’s 6-0. I’ve been in that position. It’s a very, very good win for our program,” sabi ni Blue Eagles coach Tab Baldwin.
Nagtala si Mason Amos ng double-double na 19 points at 10 rebounds habang nagdagdag si Chris Koon ng 17 points at 7 rebounds at walang turnover sa 35 minutong paglalaro para sa Ateneo.
Nanguna si CJ Cansino para sa UP na may 22 points habang nagdagdag si reigning MVP Diouf ng 13 points at 11 boards.
Naitala ni Nic Cabañero ang 22 sa kanyang 23 points sa unang tatlong quarters at kumalawit ng 6 rebounds at nagbigay ng 2 assists habang kumana si Christian Manaytay ng double-double outing na 11 points at 10 boards para sa Growling Tigers.
Ito ang unang panalo ng UST magmula nang gapiin ang Adamson, 69-60, sa opening day noong October 1, 2022.
Iskor:
Unang laro:
UST (68) – Cabañero 23, Manaytay 10, Pangilinan 9, Crisostomo 8, Duremdes 7, Calum 7, Manalang 4, Llemit 0, Laure 0, Gesalem 0, Lazarte 0, Esmena 0.
FEU (62) – Gonzales 11, Torres 11, Bautista 11, Sleat 8, Tempra 7, Faty 7, Ona 5, Competente 2, Alforque 0, Bagunu 0, Montemayor 0, Buenaventura 0, Felipe 0.
QS: 22-17, 38-34, 55-50, 68-62
Second Game:
Ateneo (99) – Amos 19, Koon 17, Obasa 13, Ballungay 10, Brown 9, Credo 8, Espinosa 8, Nieto 7, Quitevis 3, Lazaro 3, Chiu 2, Gomez 0.
UP (89) – Cansino 22, Diouf 13, Abadiano 12, Belmonte 9, Torres 8, Torculas 6, Lopez 5, Cagulangan 5, Alarcon 5, Alter 3, Felicilda 1, Briones 0, Gonzales 0.
QS: 20-18, 44-43, 68-63, 80-80, 99-89.