Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. – UE vs AdU (Men)
4 p.m. – Ateneo vs UST (Men)
SASAGUPAIN ng defending champion Ateneo ang University of Santo Tomas sa inaasahang playoff-type atmosphere sa pagsisimula ng second round action sa UAAP men’s basketball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena.
Ang Blue Eagles ay walang talo sa pitong first round matches, subalit ang pinakamalaking pagsubok na kinaharap ng Katipunan-based cagers ay ang kanilang engkuwentro sa Growling Tigers noong Setyembre 11.
Sa duelo ng most athletic teams ng liga na tinawag ni coach Tab Baldwin na isang ‘track meet’, dumaan sa butas ng karayom ang Ateneo bago tinalo ang UST, 71-70.
Kung pagbabatayan ang nasabing epic showdown, ang 4 p.m. match sa pagitan ng Eagles at ng Tigers ay maaaring maging potential preview ng Finals ngayong taon.
Sa unang laro sa alas-2 ng hapon ay umaasa ang Adamson na maisasaisantabi ang nakadidismayang first round performance sa pagharap sa mapanganib na University of the East.
Sa lahat ng koponan, ang UST ang itinuturing ni Baldwin na pinakamalaking banta sa Ateneo, hindi ang University of the Philippines na kanilang tinalo, 89-63, sa rematch ng last year’s Finals noong Linggo.
Bukod kay Benin’s Soulamane Chabi Yo na naungusan si Ivorian Ange Kouame sa season MVP statistical race, ang Tigers ay hitik sa players na kayang makipagsabayan sa Eagles, sa pangunguna nina Rookie of the Year contender Mark Nonoy, Rhenz Abando, Sherwin Concepcion, Brent Paraiso at CJ Cansino.
“Really that’s all that we look at now is UST,” ani Baldwin.
Sa kabila na nagwagi sa anim sa kanilang pitong laro sa double digits, batid ng Eagles na hindi magiging madali ang second round.
“We don’t really pause to talk about what we’re proud of. We have a lot to work on. So we really try to stay focused forward, not backward. I think the way you enjoy your season is to win the championship and then it’s all behind you. So you don’t have any option other than to look back,” ani Baldwin.
“Right now we have a lot of basketball ahead of us in a short period of time so we don’t have the luxury to take a breath and you know, talk about any accomplishments. In our eyes, there aren’t any accomplishments yet cause there’s another game and that’s the one that counts,” dagdag pa niya.
Comments are closed.