POSIBLENG hindi makasama si world tennis junior sensation Alexandra ‘Alex’ Eala sa Philippine Team na isasabak sa dalawang major multi-event international competitions ngayong taon.
Nagsisimula na sa kanyang professional career matapos ang makasaysayang tagumpay sa US Open junior single nitong nakalipas na taon, sinabi ng 17-anyos na senior high shool (online school) student na posibleng makasabay sa iskedyul ng Southeast Asian Games (SEA) ang inihahanda niyang programa para lumahok sa mga torneo na may taglay na puntos para magkuwalipika siya sa French Open – isa sa apat na major tennis tournaments sa mundo.
“I know that it’s around May 6, I think. I would love to represent the Philippines again in the SEA Games. Pero sa pagkakaalam ko, it might interfere with the [qualifiers] of the French Open, and the preparations prior. Let‘s see I must talk with my team regarding this,” sabi ni Eala sa press conference nitong Martes na inorganisa ng sponsor niyang Globe at BPI sa Globe Tower sa Makati City.
Ang Vietnam SEAG three bronze medal winner (2022) ay bumaba ng tatlong baytang sa No.217 mula sa no. 214 sa ranking ng Women’s Tennis Association matapos matalo sa kanyang first-round match sa beteranong si Tatia Maria ng Germany sa straight sets sa WTA Thailand Open sa Hua Hinn nitong nakaraang buwan.
“So, I haven’t yet sat down with my team and discussed whether that’s something that’s going to be included in the schedule,” aniya.
Nagbalik-bansa si Eala para sa maiksing bakasyon at sinamantala ang pagkakataon upang pasalamatan ang mga tumutulong sa kanya mula sa kanyang magulang hanggang sa corporate sponsor na Globe at at BPI.
Nabanggit din niya ang posibilidad na maging balakid muli ang inihandang programa sa kanyang Team para makasama sa Asian Games na nakatakda sa China sa Setyembre.
“I would love to join the Asian Games. I’ve never competed in that yet. I’ve heard very good stories and very good experiences from other players. But again, we must check if it collides with any of the important tournaments that plano kong sumali this year,” aniya.
EDWIN ROLLON