EALA PINATAOB ANG PAKISTANI FOE SA ASIAD DEBUT

Alex Eala

HANGZHOU, China — Nadominahan ni Alex Eala si Pakistani foe Sarah Ibrahim Khan sa kanyang Asiad debut, 6-0, 6-0, nitong Lunes sa 19th Asian Games sa Hangzhou Olympic Sports Centre.

Kinailangan lamang ni Eala ng 39 minuto para dispatsahin si 32-year-old Khan, na halos kalahati ng kanyang edad, upang umabante sa susunod na round laban kay Kazakhstan’s Aruzhan Sagandykova o Rutuja Bhosale ng India.

“It was a great game and it was good for my confidence,’’ wika ni Eala, kasalukuyang ranked No. 191 sa mundo.
Seeded fourth sa torneo, nalimitahan ni Eala si Khan sa 6 points lamang sa buong sagupaan.

Kumana rin ang 18-year-old Filipino tennis prodigy ng limang aces. “I think I came in with a great attitude and a great mindset,’’ said Eala.

Sasabak din siya sa mixed doubles kasama si Ruben Gonzales, kung saan kapwa sila armado ng impresibong credentials.

Ang isa pang miyembro ng team ay si Francis Alcantara, na target ang i podium finish na puputol sa medal drought ng bansa sa Games.

Si Filipino-American Cecil Mamiit ang huling netter na nanguna sa Pilipinas sa pares ng bronzes sa 2006 Doha edition.