UMUSAD si Filipina tennis ace Alex Eala sa third round ng US Open junior girls tournament makaraang pataubin si American player Charlotte Owensby, 6-3, 6-3, sa Round of 32 noong Martes (New York time).
Makakaharap ni No. 2 seed Eala si Michaela Laki ng Greece sa susunod na round. Tinalo ni Laki si local player Elizabeth Coleman, 6-0, 6-4, sa second round ng kumpetisyon.
Sasalang din si Eala sa junior doubles tournament, kasama si Hanne Vandewinkel ng Belgium.
Target ng 16-anyos na si Eala ang isa pang Grand Slam title makaraang magwagi sa French Open junior doubles noong nakaraang Hunyo, katambal si Russian partner Oksana Selekhmeteva.
Nakopo ni Eala ang kanyang unang Grand Slam title sa Australian Open juniors noong nakaraang taon, kasama si Indonesian partner Priska Nugroho.
Nasikwat niya ang kanyang unang professional title sa kaagahan ng taon sa W15 Manacor tournament.
ラブドール 最新 150cmアレンジTPEセックス人形-サイバースキンと適応性のあるスケルトンセックス人形