ISABELA – DAHIL sunod-sunod ang nabibiktima ng pagkalunod sa Ilog Magat, balak ng Municipal Disaster Risk Reduction Office (MDRRMO) ng San Mateo na maglagay ng karagdagang babala o early warning system device.
Ayon kay MDRRM Officer Roy Salvador, bukod sa mga early warning system device sa lansangan na karaniwang naaaksidente ay walang mga babala o early warning device kaya dapat magkaroon din nito sa mga ilog upang matukoy ang oras na mataas ang tubig pangunahin na sa Ilog Magat.
Sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang mga insidente ng pagkalunod sa mga ilog dahil minsan ay biglang tataas ang antas ng tubig lalo na’t tag-ulan na naman.
Dagdag pa niya, maganda itong adhikain kaugnay na rin sa national disaster resilience month sa bansa upang maging ligtas ang mga nagbabalak pumunta lalo na sa mga araw ng Sabado at Linggo kung kailan dinarayo ang mga ilog upang mag-picnic ang mga turista. IRENE GONZALES
Comments are closed.