NAG-ROLLBACK na rin ang Eastern Petroleum simula kahapon ng presyo ng kanilang liquefied petroleum gas (LPG) na may brand EC Gas.
Sa isang abiso, sinabi ng Eastern Petroleum na nagtapyas na sila ng presyo ng EC Gas LPG ng P6.50 bawat kilogram o P71.50 para sa 11-kilogram na tangke.
Ang adjustment ng kanilang presyo ay nagsimula ng 6 a.m. kahapon, Disyembre 1.
Nauna nang nagpatupad ng big-time rollback sa presyo ng kanilang produkto ng LPG ang Petron Corp. at Solane.
Nagpaalala rin ang Eastern Petroleum sa mga konsyumer na itsek ang timbang ng mga tangke ng LPG lalo na sa steel tanks, kondisyon at safety features.
“Eastern Petroleum made this reminder in view of several reports that some LPG tanks are under-filled by as much three kilograms by unscrupulous LPG refillers,” dagdag pa nila.
Comments are closed.