EAT BULAGA MAY BAGONG BAHAY NA

NGAYONG araw, Disyembre 8, nasa bago at sarili na nilang bahay ang “Eat Bulaga” sa Marcos Highway,showbiz eye Marikina City. Nag-post si Joey de Leon sa kanyang Instagram wall ng harapan ng APT Studios na pinasyalan niya after daw niyang magsimba sa Shrine of Saint Therese of the Child Jesus, na binisita raw niya ang new home ng “Eat Bulaga” simula ngayon, Saturday, December 8.

Excited ang mga tagasubaybay ng longest running noontime show dahil balitang matitindi ang presentation na ipakikita nila, at mangunguna raw sa opening number ang magka-love team na Alden Richards at Maine Mendoza.  Kaya maraming  nagtatanong kung paano raw sila makapapasok sa ba-gong bahay dahil gusto nilang ma-experience naman ito lalo na at matagal na rin silang nakapanood sa Broadway Centrum.

Pero ano itong balita na hindi na raw puwedeng pumunta sa Pasig City ang “Juan For All All For Juan” (JFA) segment nila na sumusugod sa barangay sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros para mamigay ng grasya sa contestant?  Insecure kaya ang current administration dahil makakalaban niya si Vico Sotto as Pasig Mayor sa darating na eleksyon?  Tuwing pupunta kasi ang JFA doon ay talagang dinudumog ng mga tao at on hand naman si Vice Mayor Vico sa pag-alalay sa kanila.

MMFF FILMS TODO PROMO

SUNOD-sunod na ang pagpapa-presscon ng mga pelikulang kalahok sa coming 2018 Metro Manila Film Festival. Nauna ang “Rainbow’s Sunset” ng Heaven’s Best Entertainment Productions na tampok sina Eddie Garcia, Tony Mabesa at Ms. Gloria Romero.  Sumunod ang “One Great Love” ng Regal Entertainment na mga bida sina Dennis Trillo, JC de Vera at Kim Chui.  Kasunod nito ang “The Girl in the Orange Dress” nina Jericho Rosales at Jessy Mendiola for Quantum Films, Star Cinema, MJM Productions.  Nag-presscon na rin ang “Fantastica” ng Star Cinema at susundan na ito ng “Jack Em Popoy:The Pulisincredibles.”

o0o

MARAMING-ma­raming salamat sa GMA Network sa pagpapasaya nila sa entertainment media sa ginanap na “Paskong Kapuso 2018: The GMA Network Christmas Party for the Press” na sa Studio 7, ng GMA Annex sa 11th Jamboree St., Quezon City, last Tuesday evening, December 4.

Hindi lamang ang mga cash prize at appliances na ipinamigay nila ang nagpasaya sa mga press, kundi ang parlor games na game ding sinalihan nila at ang mga production number na ibinigay ng mga finalist ng “The Clash” sa pangu­nguna ng grand champion na si Golden Canedo.  Nagkaroon din ng special number ang mga host na sina Nar Cabico at Betong Sumaya.  Co-host din nila si Patricia Tumulak. At nakatulong nila sa pag-aanounce ng raffle winners ang mga Kapuso stars na sina Paul Salas, Bruno Gabriel, Ashley Ortega, ang mga Clasher.   Nagkaroon din ng pagpili ng mga press ng male and female Star of the Night, sa pamamagitan ng pagboto ng mga dumalo. Parang beauty contest, kasi tumang­gap ang winners na sina Veronica Samio at Benny Andaya ng sash, trophy at five thousand cash prize.

Comments are closed.