INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang programa na pagpapakain at pagbabasa ng mga kuwento sa mga kabataang estudyante para sa kanilang kalusugan at pagpapalawak ng kanilang kaalaman.
Personal na pinangasiwaan ni Mayor John Rey Tiangco ang pamimigay ng mga tinapay at binasahan ng kuwento ang ilan sa 595 mag-aaral mula sa Dagat-dagatan Elementary School na makikinabang sa kakalunsad lamang na Happy Eating and Reading Program ng lungsod.
Katuwang ng lungsod sa naturang programa ang Seoul International Friendship Organization (SIFO) at Catholic Businessmen’s Association of Korea (CBAK) na magbibigay ng pondo sa supplemental feeding para sa mga bata sa buong school year.
Samantala, bibisitahin naman ng Knowledge Truck mobile library ni Vice Mayor Clint Geronimo ang DDES para isulong ang pagmamahal sa pagbabasa at pagkatuto. EVELYN GARCIA
Comments are closed.