ISA si Tommy Peñaflor na member ng popular na EB Bae’s sa mga marunong humawak ng kanyang finances. Mula sa kanyang kinita sa Eat Bulaga at sariling show nila na “Trops” sa GMA7 kung saan kasama ang kapwa Baes na sina Kenneth Earl Medrano, Kim Michael Last, Jon Timmons, Miggy Tolentino at Joel Palencia, inilagay niya ang malaking bahagi nito sa kanyang savings account at kalaunan ay itinayo ang dalawang negosyo sa kanilang hometown sa Bataan.
Yes, si Tommy ay nagmamay-ari ng
Aqua Bae Water-Refilling Station at LPG Refilling Store. Panalo ang dancer-actor sa mga nasabing business dahil lahat ng nasa compound nila ay sa kanya umoorder ng distilled water at gasul.
“Thankful po ako at kahit na wala akong gaanong project, ay meron akong pinagkakakitaan na hindi lang para sa akin kundi para sa aking pamilya. Sana in the future ay makapagbukas ako ng another branch dito sa Bataan,” wish pa ni Bae Tommy.
MILLENNIALS RELATE MUCH SA ‘ANG HENERASYONG SUMUKO SA LOVE’
MARAMI na kaming napanood na barkada movie pero itong “Ang Henerasyong Sumuko Sa Love” ni Direk Jason Paul Laxamana ang masasabi naming totoong-totoo, at walang inhibitions sa bawat kuwento ng magkakaibigang sina Jane Oineza, Tony Labrusca, Jerome Ponce, Albie Casiño at Myrtle Sarrosa.
Akma rin ang kuwento nito sa bawat isa sa atin. Kaya relate much ang lahat ng mga nanood ng Red carpet premiere nito last Monday sa SM Megamall Cinema 7. Malinaw na ipinakita sa pelikula ang istorya ng magkakaibigan na kahit nag-aaway-away sila dahil sa kanya-kanyang katuwiran ay hindi rin nila natitiis ang isa’t isa sa huli dahil nagdadamayan sila sa problemang kinakaharap.
Ang husay ng performance dito ni Jerome Ponce bilang gay businessman na effortless ang pag-arte. Aliw ang lahat sa sexy dance ni Jerome na sinasayawan si Anjo Damiles na gusto niyang maging boyfriend sa pelikula. Consistent naman ang galing ni Jane Oineza sa pag-arte bilang hard-working vlogger dahil may gustong patunayan sa sarili at tapatan at kabugin ang bagong nobya ng ex-boyfriend na si Thia Tomalla.
Si Myrtle, na isang promodizer ay takot sa commitment kaya lagi sila nag-aaway ng boyfriend niyang si Albie na isang old soul at naiiyak ka-pag nakakapanood ng romcom. At si Tony Labrusca ay single at kahit gustong-gusto niyang magka-girlfriend ay hindi niya magawa dahil mas prayoridad niya ang work dahil sa responsibilidad na ibinigay ng mother. Kaya nag-focus siya sa trabaho niya hanggang sa tinamaan ng depresyon at muntikan nang mag-suicide. Marami sa atin ang dumaranas ng depression kaya’t very timely ang kuwento. The movie is well-acted. The stars were able to deliver what is expected of them. The movie is also entertaining.
EAT BULAGA MAY BAGONG SEGMENT NA “BAWAL KUMURAP, NAKAMAMATAY NG SWERTE”
MAY bagong segment ang Eat Bulaga na parte pa rin ng kanilang throwback segment noon na Bulaga Book of Pinoy Records. Hindi lang mga celebrity ang pwedeng sumali rito at tumanggap ng challenge kundi pati na ang ordinaryong dabarkads.
Puwede kayong manalo ng P10K hanggang P50K kapag hindi kumurap sa loob ng tatlong minuto. Ang risk ay may nagdilim ang paningin, may bagong record holder, at merong nagdasal para hindi kumurap! Kinaya nina Dabarkads Ruby, Malaya, Yasser Marta, at Kyline Alcantara ang “Bawal kumurap nakamamatay ng swerte.”
So puwedeng pumasa ka rin sa nasabing challenge na makakapag-uwi ka ng datung!
Comments are closed.