BUMAGAL ang paglago ng ekonomiya ng Filipinas sa first quarter ng taon dahil sa pagkaantala sa pagpasa ng pambansang budget.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala lamang ng 5.6 porsiyentong paglago sa ekonomiya ng bansa para sa unang tatlong buwan ng taon.
Mas mababa ito kumpara sa 6.3 percent na naitala sa huling quarter ng 2018 at sa 6.5 percent sa first quarter ng 2018.
Ito rin ang pinakamabagal na paglago na naitala ng bansa sa loob ng 16 quarters magmula nang maiposte ang gross domestic product (GDP) growth sa 5.1% sa first quarter ng 2015.
Pagdating sa mga sektor, tanging ang services ang nagtala ng positive growth sa naturang quarter na may 1.8%, habang bumagsak ang agriculture ng 0.6% at ang industry ng 0.1%.
Isinisi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia ang pagbagal ng ekonomiya sa pagkakaantala sa pagpasa ng 2019 budget.
“As we have forewarned repeatedly, the re-enacted budget would sharply slow the pace of our economic growth,” ani Pernia sa isang press confer-ence sa Pasig City.
Aniya, kung hindi na-delay ang pagpasa sa 2019 budget ay lumago sana ang ekonomiya ng bansa sa 6.6 percent.
“We estimate that we should have grown by as much as 6.6% this first quarter if we were operating under the 2019 fiscal program.”
Isinisi rin ni Pernia ang pagbagal ng economic growth sa paghina ng agriculture sector dahil sa El Niño phenomenon, na sa pagtaya ng National Economic and Development Authority (NEDA) ay makababawas ng 0.2 percentage points sa full-year GDP.
Ang sektor ng agrikultura ay lumago ng 0.67% sa first quarter, mas mabagal sa 1.08-percent growth na naitala sa kaparehong quarter noong nakaraang taon.
Naniniwala naman ang economic team ng Duterte administration na makahahabol pa at maaaring pumalo sa 6 to 7 percent ang economic growth ng Filipinas na pasok sa growth target para sa taong 2019.
Ito umano ay kung maitatala ang 6.1 percent na GDP sa susunod na tatlong quarter. VERLIN RUIZ
Comments are closed.