NEW YORK, USA- KASADO na ng delegasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang planong pakikipagpulong sa mga business leader sa Estados Unidos habang nasa sideline ng 77th United Nations General Assembly (UNGA) dito.
Habang abala si Pangulong Marcos sa pakikiharap sa mga lider na miyembro ng UN ay ikinasa naman ng kanyang economic managers na kinabibilangan nina Finance Secretary Benjamin Diokno at Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual ang Philippine Economic Briefing (PEB) kung saan ang pokus ay economic at industry updates.
Magkakaroon din ng keynote message si Pangulong Marcos sa PEB New York upang mahikayat ang mga negosyante na mamuhunan sa Pilipinas lalo na ngayong umaayos na ang ekonomiya ng bansa.
“Despite the challenges of the pandemic and the global economic upheavals, we remain on track to reach upper middle-income status by next year. With steady investment in food security , public health, education, and other social services, we expect to become a moderately prosperous country by 2040. I am confident that we will achieve this vision,” bahagi ng talumpati ng Pangulo sa UNGA.
Ang talumpati i ng Pangulo ay lilinawin at hihimayin sa unang talakayan sa PEB ma lalahukan nina Diokno, Budget Secretary Amenah Pangandaman, Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla, at Ayala Corporation Chairman Jaime Augusto Zobel De Ayala.
Ang talakayan ay sesentro sa pagsulong ng pagtaya sa ekonomicsl fiscal management, budget priorities at lagay ng pagnenegosyo sa bansa.
Habang ang ikalawang panel ay sesentro naman sa Philippine trade and industry, turismo, transportasyon, enerhiya, at information and communications technology.
Inaasahang kasama sa ikalawang panel ng PEB New York si President and CEO Sabin Aboitiz ng Aboitiz Equity Ventures, na pinuno ng Private Sector Advisory Council, upang ibahagi ang kanyang mga insights hinggil sa business opportunities sa Pilipinas.
EVELYN QUIROZ