ECONOMY GAGANDA

Diwa Guinigundo

HALOS nadoble ang naita­lang pagtaas ng kumpiyansa ng mga consumer sa ikalawang kuwarter ng 2018 dahil sa inaasahang pagbuti ng ekonomiya ng bansa sa likod ng nararanasang  pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Ayon sa resulta ng consumer expectations survey ng Bangko Sentral ng Fi­lipinas, tumaas sa 3.8% ang overall confidence index sa second quarter ng 2018 mula sa halos two-year low na 1.7% ng nakaraang kuwarter.

Ayon kay  BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo, nangangahulugan ito na mas marami ang positibo ang pananaw ukol sa paggasta at sa takbo ng  ekonomiya ng Filipinas.

Batay sa datos ng BSP, laging positibo ang resulta ng consumer confidence survey mula sa ikatlong kuwarter ng 2016.

‘The relatively steady outlook for the next quarter and the year ahead stemmed from the counterbalancing of the number of respondents that reported more positive views on the economy, in anticipation of more jobs and additional income, versus those with negative views due to expectations of higher prices of goods,” ayon sa mga ekonomista ng BSP.

Binanggit naman ni BSP Head of Department of Economic Statistics Redentor Paolo Alegre Jr., na ang positibong tugon ng mga respondent ay dahil sa pagbuti ng peace and order, dagdag suweldo, dagdag trabaho, epektibong polisiya ng gobyerno at mas mataas na ipon ng pamilya.

Paliwanag pa ni Guinigundo, sa pangkalahatan ay inaasahan ng publiko na lalago ang ekonomiya, bu-buti ang kondisyon ng bawat pamilya gayundin ang financial situation sa bansa.    VERLIN RUIZ

Comments are closed.