ECONOMY SISIGLA SA 2019 DAHIL SA ‘BBB’, SEA GAMES

Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia

MAKAAASA ang mga Filipino ng masiglang ekonomiya sa 2019 dahil sa key economic reforms na ipinatupad ngayong taon, ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia.

Sinabi ni Pernia na positibo siyang masusustinahan ng admi­nistrasyong Duterte ang kanilang target na economic growth sa mga ipinatutupad na proyekto sa ilalim ng ‘Build Build Build’ program ng pamahalaan na magbibigay ng libo-libong trabaho.

Kasabay nito ay umapela si Pernia sa Kongreso na pagtibayin ang panukalang 2019 budget sa lalong madaling panahon upang makatugon sa mga nakalatag na development target ng pamahalaan.

Ayon kay Pernia, noong Nobyembre ay 35 sa 75 infrastructure flagship projects ang inaprubahan ng NEDA Investment Coordination Committee at kinumpirma ng NEDA Board kung saan may kabuuan itong investment cost na  P1.54 trillion.

Umaasa ang NEDA na 31 sa nasabing mga proyekto ay matatapos sa 2022 habang ang na­lalabing 44 ay pagkatapos ng administrasyong Duterte subalit masisimulan ang mga ito sa loob ng nalalabing panunungkulan ni Pangulong  ­Duterte.

Bukod pa rito ang nakatakdang pagdaraos sa bansa ng 30th Southeast Asian Games na magpapalakas sa tourism industry ng bansa pagpasok ng 2019.

“Hosting the 30th Southeast Asian Games will also boost tourism next year,” ani Pernia sa idinaos na media appreciation night kamakalawa.

“The year 2019 ‘will not be bereft of challenges’ but the resiliency of the Philippine economy in 2018 will likely continue, supported by the administration’s ‘Build Build Build program,” sabi ni Pernia.

Dagdag pa ng kalihim, ang kalalagda pa lamang na Joint Memorandum Circular sa pagitan ng NEDA at ng Department of Budget and Management (DBM), na nag-uugnay sa  planning and budgeting, ay magkakaloob ng matatag na pundasyon para sa pagsulong ng ekonomiya sa susunod na taon.

“We assure you that we will continue to press reforms in the next years as we have laid out in the PDP (Philippine Development Plan),” ayon pa sa kalihim.

Target ng gobyerno na mapalago ang gross domestic product ng bansa sa 7 percent. VERLIN RUIZ

Comments are closed.