KUMPIYANSA ang pinakamalaking business group sa bansa na bibilis ang paglago ng ekonomiya sa susunod na taon sa likod ng malakas na government at consumer spending.
Sinabi ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na sang-ayon ito sa 6.7-percent growth forecast ng international lenders at binigyang-diin na ang Filipinas ay mananatiiling isa sa ‘most resilient economies’ sa Asia.
“PCCI expects the economy to surge in 2019. Our country continues to enjoy strong macroeconomic fundamentals, enabling us to weather external headwinds,” wika ng business group.
“Our economic outlook for 2019 is still strong, backed by robust consumer spending and stronger government expenditures,” dagdag pa nito.
Ayon pa sa PCCI, ang infrastructure projects, election-related spending, at hosting ng bansa sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games ay makatutulong din sa lalo pang pagsigla ng ekonomiya.
Idaraos ng bansa ang midterm polls sa Mayo ng susunod na taon habang ang SEA Games ay nakatakda sa Nobyembre.
Upang mapanatili ang economic growth, sinabi ng PCCI na dapat bilisan ng pamahalaan ang pagpapalabas ng implementing rules and guidelines ng Ease of Doing Business Act.
“It is ironic that four months after its enactment, the implementing rules and regulations of the Ease of Doing Business Act has yet to be finalized,” ayon sa grupo.
“We in PCCI believe that investment growth will eventually catch up as higher public capital outlays, including increased infrastructure spending, will be undertaken more aggressively under BBB (Build, Build, Build),” dagdag ng PCCI.
Comments are closed.