ITINANGGI ni Eddie Garcia ang bulung-bulungan na may tampo siya sa “FPJ’s Ang Probinsyano” lead actor na si Coco Martin sa press conference ng latest film niya titled ”Rainbow’s Sunset” na isa sa official entries sa 2018 Metro Manila Film Festival.
“Ahh, huh? Wala ako’ng tampo sa kanya. Kaibigang-kaibigan ko ‘yun, e. Sino ang may sabi,” sagot niya.
When we mentioned to him na galing sa isang source, mariin niyang pinabulaanan ang nakarating sa aming balita. Kaibigan daw niya si Coco.
“Never ako nagtampo kay Coco. Ang ganda ng rapport namin, e.”
Ilang taon at shows na raw ang pinagsamahan nila ni Coco. Unang-una ay sa seryeng “Juan dela Cruz” noong 2013. At may ginawa pa raw sila na isang teleserye ni Coco na pang-Sunday, ang Yamashita’s Treasure episode sa “Wansapantaym.”
Napabilib naman kami ni Tito Eddie sa pagiging sharp pa rin ng kanyang memory kahit 89 years old na siya. No wonder, kering-keri pa rin niyang mag-memorize ng kanyang linya sa pelikula at telebisyon.
This year alone, tatlong pelikula ang nagawa niya plus teleserye. Pero nagawa raw niya ang dalawa niyang movies, ang “ML” na entry sa Cinemalaya at “Hintayan ng Langit” sa QCinema, nu’ng time na wala siya sa “Ang Probinsyano.”
On both films, nanalo si Tito Eddie ng Best Actor. Kaya ‘di malabong masungkit din niya ang Best Actor sa MMFF para sa “Rainbow’s Sunset” directed by Jole Lamangan and produced by Heaven’s Best.
“Well, hindi ko alam kung ano ang chance ko to win. Dahil hindi ko alam ‘yung entries pa. So, whatever the outcome is good.”
This Christmas, wala naman daw siyang inaasam-asam na regalo.Pero kung may magbibigay tatanggapin niya siyempre.
“Well, kung may magbibigay bakit ko naman tatanggihan? Pero wala ako’ng hinihiling. Kung ano ang dumating, okey sa akin.”
Speaking of gift, may balita ring lumabas na binigyan siya ng kotse ni Coco. Pero ayon kay Tito Eddie, wala siyang natanggap na kotse from Coco.
May dalawa raw siyang kotse at isa doon ay Jeep ang tatak. Pero kung bibigyan daw siya ni Coco ng kotse, e, tatanggapin niya ng buong puso.
Ang “Rainbow’s Sunset” ang ikalawang pelikula ni Tito Eddie na dinirek ng award-winning director na si Direk Joel. Huli silang nagkatrabaho for an MMFF entry ng Regal Films na “Mano Po” noong 2002 kung saan parehong nanalo sina Tito Eddie as Best Actor at si Direk Joel bilang Best Director.
Ma-take two kaya nina Tito Eddie at Direk Joel ang pagkakapanalo nila noong 2002 sa MMFF this year?
ARJO AT RIA ATAYDE NATUPAD ANG PANGARAP NA MAGSAMA SA ISANG PROYEKTO
DREAM come true para sa magkapatid na Ria at Arjo Atayde ang magkasama sa isang drama program gaya ng “Maalaala Mo Kaya.” Sina Ria at Arjo ang bibida sa episode sa longest drama anthology on television hosted by Charo Santos this Saturday, 8:30 pm.
Dahil sobrang happy si Arjo nag-post siya sa kanyang Instagram tungkol sa episode nila ni Ria for MMK sa Kapamilya network.
Nagpasalamat si Arjo sa MMK ‘di lang sa pagbibigay sa kanila ng chance na gumanap ng karakter nila ni Ria sa kuwento ng tunay na buhay ng magkapatid and environmentalists na sina Armin and Rosedel.
Kasama nina Arjo at Ria sa episode this week ng MMK tungkol sa Sibuyan island preservation sina Ernie Garcia, Tetchie Agbayani, Alex Medina, Angelo Ilagan and Jacqui Leus sa direksiyon ng millennial director din na si Giselle Andres (I Love You, Hater and Loving in Tandem) sa panulat ni Arah Jell G. Badayos at researchers na sina April Kristine Jalandra, Chona Marie C. Catibog and Kevin Alambra.
Comments are closed.